JULIELMOLOVIN

My Groom, My Bride: Chapter 54

 

“Sino yan?”

 

“It’s me Ziri.” Itinigil ni Ziri ang ginagawa niya upang mabuksan na niya ang pinto ng kanyang condo. “It’s you again Elmo?”

 

“Ah. Gusto ko lang sana ‘to ibigay sayo.” Inabot ni Elmo ang isang basket ng prutas kay Ziri.

 

“Thanks.” Nakangiting sambit niya ng kunin niya ang inaabot sa kanya ni Elmo. “Pasok ka muna?”

 

“Ha? Hindi napadaan lang talaga ako dito para ibigay yan, aalis narin ako.”

 

“Sige na, last week and the day before yesterday hindi ka na pumasok sa loob tapos ngayon hindi parin? ” She chuckled. “Wag kang mag-alala hindi contagious ang sakit ko pang sakin lang talaga ‘to.”

 

“Hindi naman yun ang gusto kong sabihin. Gusto ko lang talaga i-check kung okay ka.”

 

Hinawakan ni Ziri ang kamay ni Elmo para papasukin ito sa loob ng condo niya. “Pumasok ka na kahit sandali lang para naman makabayad ako dito sa mga dala mo kahit papano.”

 

“Ziri wala lang talaga ‘to.”

 

“Elmo-” Nginitian niya itong muli. “Wala lang din ‘to.”

 

Hindi na natanggihan pa ni Elmo si Ziri. Iniwan muna siya nito sa living room ng unit na iyon nang mag-insist itong ipaghanda siya ng makakain. Tinitingnan niya ang buong unit ni Ziri habang abala pa ito sa kusina. Wala paring pinagbago ang dati niyang kasintahan, mahilig parin itong bumili ng mga mamahaling paintings at mga vintage items hanggang ngayon.

 

“Ang gaganda ng mga nabili ko no?”

 

Nawala ang focus ni Elmo sa pagtingin ng mga nakasabit na paintings ng marinig niyang magsalita si Ziri. “Saan mo nabili ang mga ‘to?”

 

“Bakit gusto mo?”

 

“Hindi.” Pagtanggi agad ni Elmo. “Naalala ko lang yung dati, nung pumunta tayo sa Thailand para lang bilihin yung artwork na hindi ko maintindihan.”

 

“Hahaha! Oo yung artwork na binadtrip ka kasi sabi mo para winisik-wisikan lang ng pintura.” Ibinaba ni Ziri ang hawak niyang tray sa center table. “May papakita pala ako sayo.”

 

“Ano naman yun?”

 

Lumapit siya kay Elmo sabay hawi ng buhok niya sa likuran para mapakita niya ang kanyang batok. “Remember this?”

 

It was a tattoo. Chain siya na may letters na E & Z at both ends.

 

“Bakit nandyan pa rin yan?” Laking pagtataka ni Elmo. “Di ba henna lang yan na pinalagay natin nung nagbakasyon tayo sa Caticlan?”

 

“Henna siya before pero nagandahan ako sa design kaya ginawa ko ng tattoo.”

 

“Para saan pa?”

 

“Wala naman.” She smirked. “Kain ka na.”

 

“Marunong ka ng magluto?”

 

She shook her head. “Try mo muna and then tell me kung masarap.”

 

“Hindi yan masarap.” He laughed.

 

Hinampas niya si Elmo sa braso. “Kapal mo.”

 

“Bakit?” Natatawa parin siya. “Dati nga nag-attempt ka na magluto ng pancit canton-”

 

“Pero noodles ang kinalabasan.” Inirapan niya si Elmo sabay upo sa sofa niya. “Kung ayaw mong kainin di wag, ako nalang ang kakain.”

 

“Ito naman-” Umupo siya sa upuang kaharap ng kinauupuan ni Ziri sabay kuha ng tinidor para matikman na niya ang pancake na inihanda nito para sa kanya. “Hmm, it’s good. Ikaw talaga ang nagluto nito?” He joked.

 

Nagcross legs si Ziri sabay ngiti kay Elmo. “Wala eh, ganyan talaga kapag magaling sa kusina.” She sarcastically said.

 

Tawa lang ang sinagot ni Elmo.

 

“Bakit ka natatawa dyan?”

 

“Naalala ko lang kasi si Julie.”

 

Biglang nawala sa mood si Ziri pero hindi niya iyon pinahalata kay Elmo. “Bakit? Hindi rin siya marunong magluto?”

 

“No, actually she’s the best cook in town. Yun nga lang kapag nagagalit siya kapag hindi sunod pinapakain niya sakin, sobrang alat. Ramdam mo talagang galit siya. Haha.”

 

“Really?” She giggled. “Anyway, kamusta pala pregnancy niya. Is she doing great?”

 

Natigilan si Elmo sa pagkain ng mabuksan ni Ziri ang topic na iyon.

 

“What? Did I say something wrong?”

 

“Wala naman.” He rested his back on the sofa. “She’s in a crucial condition right now.”

 

“What?” Napataas ang kilay ni Ziri. “For what reason?”

 

“Mahina raw ang kapit ng baby kaya kailangan niyang magtake ng medications. Bawal din siyang mastress o bigyan kasi kapag nangyari pwedeng malaglag yung baby.”

 

“God. Is this really true? Edi hirap na hirap siya?”

 

“Oo, laging kumikirot ang tyan niya tapos yung morning sickness niya very evident parin up until now.”

 

“Grabe.” Napailing si Ziri. “Alam naman ba ni Julie ang sitwasyon niya ngayon?”

 

“Yun pa.” Uminom muna siya ng apple juice bago siya muling nagsalita. “She’s not aware with her condition.”

 

“Stupid. Bakit hindi mo pinaalam sa kanya?”

 

“Bawal siyang mastress, sa tingin mo ba kung sasabihin ko sa kanya na weak ang baby na nasa tyan niya hindi niya yun iisipin araw-araw?”

 

“Pero Elmo, at least aware siya na bawal siyang sobrang mapagod and whatsoever.”

 

“You don’t know how hard it is to keep this situation from her. My conscience’s eating me every single day Ziri.” He paused. “But I have to do this. I have to protect them.”

 

“It’s your choice Moe. Pero if I were you I will tell the truth to her, para kasing nagsisinungaling ka na sa kanya. You know how we, girls, hate lies.”

 

“I know but-”

 

“I get you Moe. I understand whatever situation you are in right now.” Sandali niyang pinagmasdan si Elmo. “Kaya kapag may problema ka, feel free to visit me. I’m still me. You will always have my support no matter what.” And then she gave him a sweet smile.

 

To be continued…


42 notes
  1. jeedeeveejee reblogged this from julielmolovin
  2. miozeedaamor reblogged this from julielmolovin
  3. kayekulit reblogged this from julielmolovin
  4. maricrisaicelle reblogged this from julielmolovin
  5. supermyjam said: hate her tlga!!!! to the bone marrow!!! kainis! power post ka po please ate jo :)) *w/ puppy dog eyes*
  6. nikkima-e reblogged this from julielmolovin
Breakaway Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr