My Groom, My Bride: Chapter 50

 

Maraming business meetings ang inattendan ni Elmo. Halos wala na siyang break, every hour pa kailangan niyang i-check si Julie, kung kumain na ba siya, may gustong ipabili at kung ano-ano pa. Luckily, nairaraos naman ng asawa niya ang pagbubuntis nito ng maayos iyon nga lang kailangan talaga ng dobleng pag-iingat dahil kahit anong oras pwedeng mawala ang bata sa tiyan nito.

 

“Moe?”

 

Naputol ang pagmumuni-muni ni Elmo habang siya’y nakaupo ng pumasok si Ziri sa office niya.

 

“Yes?”

 

“Do you have a minute?”

 

Mabilis na tumayo si Elmo para ayusin ang mga papeles na nasa table niya para maiwasan ang dati niyang kasintahan.

 

“I’m about to go home Ziri. Alam mo naman ang kundisyon ngayon ni Julie.”

 

“I know pero Elmo I have something important to say.”

 

Natigilan si Elmo sa ginagawa niya. “Bakit ako?”

 

“Kasi alam ko na trustworthy ka.” Malamya ang mga mata niya ng nakipagtitigan siya kay Elmo. “Please?”

 

“Sige, maupo ka.”

 

“No, ayoko rito. Pwede bang sa dating place? Dun sa pinupuntahan natin kapag may problem ako?”

 

“Ziri I can’t.”

 

“Last na ‘to, I promise. After this, wala ka ng maririnig sakin.”

 

“Basta last na ‘to ha?”

 

Itinaas ni Ziri ang kanang kamay niya. “Promise.”

 

***

 

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Elmo. Katulad ng request ni Ziri, pumunta sila sa dating lugar na parati nilang tinatambayan nung mga panahong sila pa. Isang park iyon malapit sa dating school na pinapasukan nila. Dahil gabi na, wala ng masyadong tao ang naroroon, tanging mga ilaw na nagmumula sa mga poste at ilang couples na nagtatago sa dilim ang naabutan nila.

 

“Wala parin palang pinagbabago ‘to no?” Komento ni Elmo habang panay ang tingin niya sa lugar na pinuntahan nila.

 

“Tayo lang naman ang nagbago.”

 

Naging seryoso muli ang mukha ni Elmo. “Ziri alam mo naman na-”

 

“Yeah. I know.” Ngumiti si Ziri bago siya maupo sa isang bench sa park na iyon. “Frinendzone mo nga ako eh.” Biro pa niya.

 

Hindi nalang nagsalita si Elmo ng sambitin iyon ni Ziri. Imbes na magreact siya ngiti nalang ang isinagot niya rito.

 

“You know what I miss your smile.” Hinigit niya si Elmo sa tabi niya kahit na nakasuksok sa bulsa ang dalawang kamay nito. “Chill ka lang, hindi ako rapist.”

 

“Why are we here by the way?” segway ni Elmo para hindi na mapunta pa sa iba ang usapan nila. Medyo ilang din siya sa mga titig ni Ziri dahil ayaw niyang bumalik pa yung dating nararamdaman niya para sa dalaga.

 

Humilig si Ziri para makasandal siya sa balikat ni Elmo. Kaagad namang umiwas sa kanya ang dati niyang kasintahan kaya napilitan siyang hawakan ang braso nito para hindi ito makaalis sa tabi niya.

 

“Babe please kahit ngayon lang.”

 

“Ano ba ‘to? Mamaya may nakasunod satin sabihin pa kabit kita.”

 

She giggled. “Walang makakasunod satin dito, it’s our secret kingdom. Remember?”

 

“Bakit mo ba talaga ginagawa ‘to?”

 

“Moe my intention is clean. I just wanna be with you.” She heaved a sigh. “Kahit ngayon lang.”

 

“Gusto mong palang lagi tayong magkasama pero bakit hindi ka sumipot nung araw ng kasal natin?”

 

“Kung sumipot ba ako nung araw na ‘yon mamahalin mo ako katulad ng way ng pagmamahal mo kay Julie?”

 

“Alam mo namang mahal kita.” Napailing si Elmo habang nakatingin siya sa malayo. “Minahal kita pero anong ginawa mo? Sinayang mo lahat ng yun.”

 

“I was scared then.” Humiwalay na siya sa pagkakasandal niya kay Elmo para mapagmasdan niya ito. “Hindi biro ang marriage.”

 

Tiningnan ni Elmo si Ziri. “Bakit sa tingin mo ba hindi ako seryoso sayo?”

 

“Mahal mo ba siya?”

 

Hindi kaagad nakasagot si Elmo.

 

“Bakit hindi ka makasagot?” Umiwas ng tingin sa kanya si Elmo pero kaagad niyang hinawakan ang baba nito upang paharapin ulit sa kanya ang dati niyang kasintahan. “Mahal mo parin ba ako?”

 

“Ziri stop right there.” He looked at her. “Masaya na ako.”

 

“Malayo yan sa tanong ko, ang sabi ko kung mahal mo parin ako.” Hindi niya inalisan ng kanyang tingin si Elmo. “You love me still, do you?”

 

“Ziri, mahal ko si Julie. Kung mahal parin kita, wala na sakin yun basta ang alam ko lang mahal ko ang asawa ko at ang magiging baby namin.”

 

“Well she’s lucky.” Binitawan niya na si Elmo sabay bukas ng bag niya. “Here.” Inabot niya kay Elmo ang isang white envelope.

 

“What’s this?”

 

“Open it.”

 

Dahil bukas narin naman ang envelope na iyon ay kaagad niyang tiningnan kung ano ang nasa loob no’n. Isang papel na naglalaman ng kung ano-anong hindi maipaliwanag na mga salita at illustration ang nakita ni Elmo. He was about to return the paper and the envelope to Ziri when he suddenly noticed something.

 

“What’s the meaning of this?” Nagtatakang sambit niya habang nakatingin siya kay Ziri at habang hawak-hawak niya sa kanyang kanang kamay ang envelope at papel na iyon.

 

“Hindi mo ba naintindihan?”

 

“Naintindihan ko pero Ziri bakit?”

 

Sumandal si Ziri sa bench habang nilalanghap niya ang simoy ng hangin. Nang hindi pa nakuntento ay ipinipikit pa niya ang mga mata niya. Wala na siyang pakialam kung naghihintay si Elmo sa sagot niya basta’t ang alam niya lang gusto niyang magrelax kahit konting oras lamang.

 

“Ziri please answer me!”

 

Hindi parin sumagot si Ziri. After a few seconds, nagulat nalang si Elmo ng mapansin niyang mga luhang pumapatak galing sa mga mata nito. Doon nagsimula ang pagdoble ng kabang nararamdaman ni Elmo.

 

“Nagulat din ako nung nakita ko yan, hindi ko alam kung kanino unang sasabihin kaya naisip kong puntahan ka.”

 

“May cure pa naman ang non-hodgkin lymphoma di ba?”

 

Iminulat na ni Ziri ang mga mata niya sabay tingin kay Elmo. “Yan din ang buong akala ko pero sabi ng doktor mahihirapan na raw ako lalo na sa financial.”

 

“Don’t mind the money, pwede kong i-shoulder yun.”

 

She giggled bitterly. “Elmo, sa tingin mo ba okay lang sa asawa mo ang makita ang asawa niya na tinutulungan ang ex-girlfriend nito?” Umiling siya. “Tanggap ko na naman.”

 

“Maiintindihan ka niya. Iba siya Ziri, alam niya kung pa’no kumapa ng sitwasyon.”

 

“No, ayoko ng awa niyo.” Pinunasan ni Ziri ang luha niya sabay kuha ng papel at envelope na nasa kamay ni Elmo. “Thanks for today Moe, see you tomorrow at work.”

 

“Ziri.” Pinigilan niya ito sa pagtayo. “Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako.”

 

Idinampi ni Ziri saglit ang labi niya sa labi Elmo sabay ngiti rito habang nakatitig siya sa mga mata nito. “I know.”

 

 

To be continued…


40 notes
  1. miozeedaamor reblogged this from julielmolovin
  2. kayekulit reblogged this from julielmolovin
  3. myoprenariolove said: updates pa po plzzzzzzzzz
  4. nikkima-e reblogged this from julielmolovin
  5. julielmolovin posted this
Breakaway Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr