JULIELMOLOVIN

My Groom, My Bride: Chapter 37

 

Ilang linggo naring ngarag sila Elmo at ang team niya kasama sila Julie at Ziri.  Masyado na silang nagagahol sa oras kaya naman halos wala narin silang tulog. Kada-tapos pa ng working hours nila kinakailangan pa nilang ihatid si Ziri dahil wala itong sariling sasakyan.

 

Hindi sa walang tiwala si Julie kay Elmo pero sa tuwing nakikita niya na kasama ng kanyang asawa si Ziri ay hindi niya maiwasang magselos. Kitang-kita niya kasi na nagte-take advantage na si Ziri sa sitwasyon nila. Kahit na hindi na kailangan pa ang presence ni Elmo sa ginagawa ni Ziri ay panay parin ang tawag nito sa asawa niya, okay lang sana kay Julie kung about work pero hindi ganoon ang nangyayari. Tila ba’y pinapakita ni Ziri kay Julie na kaya niyang landiin si Elmo kahit na harap-harapan pa.

 

“Moe, uwi na tayo?” Inaantok na sambit ni Julie pagkatapos niyang humikab.

 

“Wala pa si Ziri eh.”

 

She scoffed. “Kailangan ba talagang everyday natin siyang ihahatid sa kanila? Bakit hindi mo nalang siya kuhaan ng private driver?”

 

“Julie she’s not as strong as you.”

 

“Anong gusto mong sabihin?” Pinigil ni Julie ang inis niya. “Na porket hindi ako kasing weak niya eh balewala nalang ako para sayo?”

 

“Julie ano ba yang sinasabi mo? Everyday routine na natin ‘to, hindi ka parin ba nasasanay?”

 

“Yun nga eh, kasi kahit anong routine pa ang gawin natin hindi ko magawang sanayin ang sarili ko.”

 

Tiningnan ni Elmo si Julie ng seryoso. “Nagseselos ka ba?”

 

“Oo, nagseselos ako.” Diretsang sambit naman ni Julie na may halong inis.

 

Tumayo si Elmo at nagpunta sa kinatatayuan ni Julie. Hinigit niya kaagad ito papalapit sa kanya para mayakap niya ang kanyang naiinis na asawa. “Wala ka namang dapat ipagselos, ikaw na ang asawa ko.”

 

Itinulak ni Julie papalayo si Elmo sa kanya. “Sabihin mo nga sakin kung paan ako hindi magseselos?” Inirapan niya si Elmo. “Nung isang araw sabi mo sakin sabay tayong kakain, tapos pagdating ko siya na ang kasabay mo, kahapon naman sabi mo magco-coffee break tayong dalawa tapos anong nadatnan ko?-” She paused. “Ikaw at si Ziri nagtatawanan habang nagka-kape. Ano ‘to Elmo, echapwera na ako porket nandyan na ex mo?”

 

“This is pointless Julie-” Bumalik si Elmo sa mesa kung saan siya nanggaling upang ipagpatuloy ang ginagawa niyang report. “Kung gusto mong umuwi tatawagan ko si Alvin para ihatid ka na sa bahay, mukhang pagod ka na.”

 

“Si Alvin?” She giggled bitterly. “Ganyan ka naman, everytime na may pinagtatalunan tayo kay Alvin mo ako binabagsak. Sabihin mo nga, inlove ka na ba sa Ziri na yun?!”

 

“Julie hindi-” may diin na sambit ni Elmo dahil hindi niya makuha kung bakit ganoon nalang ang lumalabas sa bibig ng asawa niya.

 

“Eh bakit full effort ka parin sa kanya? Mahal mo pa aminin mo nalang kasi.”

 

“Hindi nga di ba?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!”

 

“Uuwi na tayo.”

 

“Can’t you see? I’m still working here.”

 

“Ang sabihin mo gumagawa ka lang ng alibi para mahintay mo yung Ziri na yun.”

 

“Sige ikaw na ang panalo.” Isinara ni Elmo ang laptop niya. “Uuwi na tayo.”

 

Biglang natigilan si Julie ng sandaling lapitan siyang muli ni Elmo. Alam niyang galit ito pero wala paring pinagbago ang way ng paghawak nito sa mga kamay niya.

 

“Pa’no si Ziri?” mahinang sambit niya habang naglalakad sila papunta sa parking lot.

 

“Bahala na siya, malaki na siya para ihatid pa sa kanila.”

 

“Elmo-” tumigil si Julie sa paglalakad.

 

“Julie ano ba?” Hinarap niya ang kanyang asawa. “Kanina nagagalit ka kasi ihahatid natin si Ziri ngayon naman na hindi na natin siya ihahatid galit ka parin? Ano ba talaga?” Inis na sambit nito.

 

“Nakakainis ka naman kasi eh.” Napaluha na si Julie dahil hindi na niya nakaya pa ang inis at selos na matagal-tagal na niyang itinatago.

 

“Bakit ka naiyak dyan? Inaano ba kita?” Hinila ni Elmo papalapit sa kanya si Julie upang punasan ang luha nito. “Iuuwi na nga kita di ba? Matutulog na tayo, magpapahinga ka na.” malambing sa sambit nito.

 

“Hindi ko na ata kaya Moe.”

 

“Ang alin?”

 

“Ito-” Tiningnan niya si Elmo. “Ang lahat ng ‘to.”

 

“Hon, pagod ka lang.” Hinawakan niya ang kamay ni Julie. “Gusto mo ba mag-leave muna tayo bukas?”

 

She shook her head. “Kulang na nga tayo sa preparation may gana ka pang magleave.”

 

“Pakiramdam ko kasi napapabayaan na kita masyado, tsaka trabaho lang yan mas mahalaga ka parin sakin.” He smiled.

 

“Sus, mamimiss mo lang yung Ziri mo kapag nagleave ka.”

 

Natawa si Elmo ng muli siyang irapan ni Julie. “Ang cute mo palang magselos. I’ve never seen you this jealous.”

 

“Masanay ka na, siguro hanggang matapos ‘tong project na ‘to araw-araw tayong ganito.”

 

“Sana di na matapos ‘to.”

 

Siniko ni Julie ang tyan ni Elmo. “Badtrip ka na talaga.”

 

“Bakit na naman ba?” He was still laughing while he was touching his abs. “May mali na naman ba akong nasabi?”

 

“Enjoy na enjoy mo ‘yung company niya no kaya ayaw mong matapos ‘tong project na ‘to?”

 

He giggled. “Hindi ah-” Niyakap niya si Julie sabay halik sa gilid ng noo nito. “Gusto kong hindi na ‘to matapos kasi pwede kitang makita kahit segu-segundo pa at syempre makikita ko pa yung cute mong mukha kapag nagseselos ka.”

 

“Funny Mr. Magalona, funny.” Sarkastikong sambit ni Julie.

 

“Of course, Mrs. Magalona.” Bumitaw na si Elmo sa pagkakayakap niya kay Julie upang maalalayan niya ito papunta sa sasakyan niya.

 

He was about to open the door for Julie when his phone suddenly rang.

 

“Hello?” Tiningnan ni Elmo si Julie habang pinapakinggan niya ang taong kausap niya sa kabilang linya. “What?!” His forehead wrinkled.

 

“Moe, is there something wrong?” Nag-aalalang sambit ni Julie habang pinagmamasdan niya ang mukha ng kanyang asawa.

 

“Julie-” Kaagad ibinaba ni Elmo ang cellphone niya sabay tingin kay Julie ng may halong kaba. “Si Lola Vera…”   

 

 

To be continued…


59 notes
  1. jeedeeveejee reblogged this from julielmolovin
  2. kayekulit reblogged this from julielmolovin
  3. shealle01 reblogged this from julielmolovin
Breakaway Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr