Chapter 19: All Back

 

Ang bilis ng araw, biruin niyo naka-5 months na kami ni Elmo, syempre may kasama ng awayan dun, asaran at mawawala ba naman ang lambingan after every fight? Syempre hindi!

 

 

He has already improved, hindi na siya masyadong isip bata pero may “pagka” parin at times. Hindi na siguro yun mawawala ng tuluyan sa kanya. Day to day na namin ginagawa ang paged-date, hindi ko alam pero hindi ako nagsasawang makita ang mukha niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Ang gwapo kasi!!

 

 

Ready na akong ipakilala siya kay Kuya Jay, alam ko naman na hindi ako pagbabawalan nun. Yun pa! Nagfi-fit na ako ng damit, anytime kasi pwede ng dumating si Elmo. Excited narin ako sa pwedeng mangyari sa araw na ‘to! :”>

 

 

“Too-tooooot!” nagmadali akong pumunta sa kama ko para tingnan kung sino ang nag-text.

 


new message
received


From:
Kuya Jay

 

JA mamaya mo nalang ipakilala sakin yung boyfriend mo. Kailangan ako ni Einah ngayon… Sorry, but I’ll meet her later princess. :)

 

 

To: Kuya Jay

 

Sige po kuya, pakikamusta nalang po ako kay Ate Einah. Pakisabi po miss na miss ko na siya :)

 


From: Kuya Jay

 

Sige makakarating, ingat ka ha? I have to go now, baka hindi ko na mabasa pm mo. See you later.

 

 

So change of plans pala, matext na nga si Elmo, nasaan na kaya yun.

 

 

To: My babylove :)

 

Babylove, nasaan ka na? Mamaya nalang daw kita ipapakilala kay Kuya Jay, kailangan siya ni Ate Einah eh. So ano malapit ka na rito sa bahay? Ingat ka ha? I love you :*

 

 

30 minutes rin ang nakalipas bago siya sumagot nakapagbihis na ako at lahat-lahat. Ready to go!  Akala ko naiwan niya na naman phone niya sa bahay nila kaya hindi siya agad nakasagot sa pm ko. Ganyan kasi yan si Moe kapag masyadong ecxited ang daming nakakalimutan.

 

From: My Babylove :)

 

Tingin ka sa labas ng bintana mo babylove :*

 

Napadungaw naman agad ako sa bintana, andun nga siya!! May dala-dala siyang kotse, wow sumosusyal na siya, infairness! Bumaba agad ako sa hagdan at tumingin sandali sa salamin sa may tapat ng hagdan at nag-ayos muli ng sandali, I pursed my lips and then went out already. Ngiting-ngiti naman siya masyado, ang gwapo niya rin today, buti naman nakaramdam siyang magde-dress ako kasi nakasemi-formal attire siya.

 

 

“Happy monthsary.” Binigay ko sa kanya yung gift ko tapos kiniss ko siya sa cheeks.

 

 

“Happy mothsary din.” Hinalikan niya ako sa noo tapos may box of chocolates at boquet of flowers siyang binigay sakin, ang cute! Orange na roses :”>

 

 

“Saan mo naman nabili ‘tong flowers?”

 

 

“Nagustuhan mo ba? Pinasadya ko talaga yan. Alam ko naman nay an ang favorite mo.”

 

 

“Talaga? Thanks babylove.”

 

 

“Halika na, baka lumamig na yung pinahanda kong dinner para sa ating dalawa.” Psss. Ang fail niya no? Dapat hindi niya sinabi sakin, pero inalalayan niya naman ako sa pagsakay sa car niya, ang ganda naman ng kotse ni Moe halatang alagang-alaga niya.

 

 

10 minutes din siguro siyang nag-drive bago kami makarating sa kanila, medyo malayo pala samin kung lalakarin tapos araw-araw niya yung ginagawa para lang maihatid ako ng safe sa bahay? Ang tamad niya kasing mag-drive, kung ako lang marunong mag-drive nako hindi ako magtya-tyagang maglakad. If I were him lang ha.

 

 

Ang laki naman masyado ng bahay nila, mansion type samantala yung samin ordinary house lang, malaki rin naman bahay namin pero kung ikukumpara mo sa bahay nila Elmo parang yung sala nila kwarto ko na. Sabagay dalawa lang naman kami dun ni Sarah, nagiging tatlo lang kapag nandyan si Kuya Jay. Teka, bakit wala akong makitang tao except sa dalawang katulong na parang may inaayos sa kusina, wala parents niya rito? So ibig sabihin siya lang mag-isa ang nakatira sa pagkalaki-laking bahay na ‘to?

 

 

“Ikaw lang ang tao rito?”

 

 

“Hindi no, yung dalawang maid pa tapos yung boy namin sa labas. Di ba tao rin sila?” natatawang sagot niya.

 

 

“Alam ko, what I mean is ikaw lang ang amo?” tumango siya sa akin.

 

 

“Nasaan ang parents mo?”

 

 

“Di ba sabi ko naman sayo nasa business trips sila?” oo nga pala, nakalimutan ko.

 

 

“Tara, kain na tayo?” sumunod nalang ako sa kanya as he guided me kung saan man nakaset up yung sinasabi niyang dinner date namin.

 

 

Lumabas kami sa veranda nila, ang laki masyado at wow sobrang prepared! Candle light dinner! Never expected this coming! Tama nga sila, expect the unexpected.

 

 

“Hindi na kita lalagyan ng blind fold ha? Baka kasi corny na ako kasi ang nagluto.” Napakamot siya sa ulo niya.

 

 

Is he serious?! Siya ang nagluto? Weh?!!! So dinaig niya pa ako sa cooking skills? Ang sweet niya, my gaaaaaaaaaash!

 

 

“Seryoso ka ba?”

 

 

“Ayaw mong maniwala?” nag-pout siya.

 

 

“Hindi naman sa ganun pero kasi hindi ko maimagine na marunong kang magluto.” I smiled. Wide smile like this -> :D

 

 

“Sabi ko naman sayo di ba? Gagawin nating special ‘tong 5th monthsary natin kasi nung 4th monthsary natin sablay ako?” he smirked.

 

 

Speaking of 4th monthsary, gusto niyong malaman kung anong nangyari? Ganito kasi yan, we went out. Nagpareserve siya sa isang fancy restaurant, syempre sinundo niya ako tapos yung car na ginamit niya nun car ng daddy niya, eh wala na palang gas edi tumirik. Ang labas namin, alay lakad hanggang sa makakita ng pwedeng masakyan. Nakaheels pa naman ako nun! Tapos pagdating namin dun sa restaurant prepared na yung mga pinapripare niya, iba’t ibang dishes, he gave me flowers tapos nagkwentuhan kami. Couple shirt ang regalo ko sa kanya tapos fitted cap na “J-E” ang nakaprint naman ang regalo niya sakin. Yes, pareho kami and sinuot namin yun the other day nung nag-mall kami. Syempre pinagtinginan kami ng mga tao but we didn’t care, siguro sabi nila ‘grabe naman tong dalawang ‘to kulang nalang magpalit na ng mukha.’ Haaay, mabalik na nga sa date namin. Ayun, at dumating na nga yung waiter para dun sa bill namin, si Elmo kapkap dito, kapkap doon. Hala! Naiwan niya pala sa sasakyan yung wallet niya pati bag ko naiwan dun! Edi wala kaming pambayad! You know what we did? Umorder siya ng another dish, tapos nung nakaalis na yung waiter nag-123 kami. 1-2-3 takboooooooo! HAHAHA! Epic fail talaga nung date nay un, grabe! Ayoko ng maalala pa nahihiya ako dun sa restaurant. Pero binalikan naman niya yun, hindi ko na siya sinamahan kasi nahihiya na talaga ako, nag-stay lang ako sa loob ng sasakyan at pinagmamasdan siya habang nag-eexplain. Buti nalang hindi siya pinagalitan nung may-ari, maganda naman siguro ang pagpapaliwanag niya.

 

 

“Julie, ayaw mo ba nung food?” ayan nawala na tuloy ako sa date namin kakareminisce! Nakahanda nap ala yung food, siya talaga ang nagluto nito? Ang ganda ng pagkaka-garnish parang hindi gawa ni Elmo kasi yung mga ganitong garnish pang-pasensyosong tao lang. Knowing Elmo, hindi talaga siya patient.

 

 

“Gusto ko syempre.” Kumuha na ako ng food tapos nagsimula ng kumain, pinauna niya muna ako sa pagtikim tapos tinitingnan niya yung reaction ko. Nag-fake ako ng reaction, kunwari hindi ako nasarapan pero ang totoo ang sarap talaga! Grabe!

 

 

“Hindi masarap?” mukhang worried yung mukha niya kaya natawa na talaga ako.

 

 

“Okay fine, aamin na ako. Ang sarap ha! Ikaw talaga ang nagluto nito?”

 

 

“Oo nga! Bakit ba kasi ayaw mong maniwala? Ikaw ang kauna-unahang babaeng pinagluto ko. Ang hirap pala mas madaling kumain.” He also laughed.

 

 

“Ako? Weh?”

 

 

“Yes, full of efforts yan kaya kailangan ubusin mo.” Hinawakan niya yung kamay ko.

 

 

Ako talaga?! Eh si Trixie? Hindi niya pinagluto? 5 years kaya sila tapos ni minsan di niya ginawa ‘to? Barbero!

 

 

“Why are you so sweet?” I looked into his eyes.

 

 

“Because you deserve this, thanks for loving me.” He smiled.

 

 

Ang cute niya talaga kapag nakasmile siya. I can’t believe his mine now, parang new lovers kasi kami each and everyday. Yung parang laging bagong sagot palang, nasobrahan naman ata kami sa kasweetan.

 

 

“Thanks for loving me too babylove.” I smiled back.

 

 

Nagkwentuhan kami habang nakain, sa sobrang sarap ng pag-uusap namin nawala na sa isip namin ang oras. Biglang tumugtog ang “right here waiting” tapos bigla siyang tumayo and he offered his hand to me. Syempre kinuha ko, hindi pa kami nakakapag-sayaw ng sweet dance eh.

 

 

Inilagay niya yung kamay ko sa balikat niya tapos sa bewang ko naman yung sa kanya. Nagtinginan kami habang sumasabay sa music, ang sarap ng ihip ng hangin tamang-tama sa moment namin ngayon. He is just smiling kaya nakangiti lang din ako sa kanya, naramdaman kong inilapit niya pa ako sa kanya, we’re just inch away now.

 

 

“Let’s seize the day.” He whispered to me then I nodded.

 

 

Tahimik lang kami habang sumasayaw, pinapakiramdaman ang bawat isa. Ramdam ko na mahal niya ako sa bawat hawak na ginagawa niya sa akin kaya ipinaparamdam ko rin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

 

 

“I love you.” I whispered.

 

 

Naramdaman kong nag-lean forward siya, he kissed me pero sa side ng lips lang. Hindi parin siya umaalis sa pwesto niya kaya medyo humarap ako sa kanya and then… our lips met. We kissed… and kissed… and kissed… hanggang sa matapos ang kanta. When the song ended, he gently move away and he smiled again tapos nagblush naman ako. Hindi ko na mapigilan!! :))

 

 

“Ipapakilala mo pa ako sa kuya mo di ba?” deeeng! Muntik ko ng makalimutan!

 

 

“Oo nga pala, so let’s go?” kukunin ko n asana ang purse ko ng pigilan niya ako at bigla niya ako niyakap. Miss niya kagad ako?

 

 

“Moe, why?” naramdaman kong ni-wrap niya ang arms niya sa akin, tapos parang may kinakabit siya sa leeg ko kaya napatingin na ako.

 

 

“kwintas?” napatingin ako sa kanya.

 

 

“Happy 5th monthsary babylove.” Then he kissed my neck.

 

 

Waaaaa! Mamamatay na ako sa kilig nito! Elmo pleaseeeeeee stoooop thiiiiis.

 

 

 

“Tara na?” hay! Buti naman at nag-aya siya.

 

 

Umalis na kami ng bahay nila, naglakad nalang kami para matagtag yung kinain namin at para mas matagal pa kaming magkakasama.

 

 

“Ang sakit na ng paa ko.” He’s holding my hands.

 

 

“Gusto mo pasanin kita?”

 

 

“Ayoko, mabigat ako.”

 

 

“Ano naman kaya naman yan ng muscles ko.” He joked.

 

 

“Ayoko nga tsaka naka-dress kaya ako!”

 

 

“Sige na, hubarin mo yang heels mo, pa-heels heels pa kasi tapos mapapagod maglakad.” He laughed.

 

 

“Bakit mo ipapahubad? Para ano? Maglalakad ako ng nakapaa? Ayoko nga!” tumigil siya tapos hinubad niya yung vans na suot niya. “maupo ka dyan.” Buti nalang may drum na pwede kong maupuan, mukhang malinis naman kaya naupo na ako.

 

 

“Ano na naman ba ang plano mo?” hinubad niya yung heels ko tapos sinuot niya sakin yung vans niya, naka-medyas nalang siya ngayon. Siya na ang nagdala ng heels ko tapos nagsimula na ulit kaming maglakad.

 

 

“Okay ka lang ba dyan? Baka masakit na yung paa mo.”

 

 

“Okay lang basta hindi sumakit ang paa mo.” Inakbayan niya ako tapos nag-lean naman ako sa chest niya.

 

 

“Kill me now…” mas hinigpitan niya ang akbay niya sakin.

 

 

“Kill me now too babylove.”

 

 

 

Parang ang napabilis naman ata ang paglalakad namin, nasa harapan na kasi kami ng bahay ngayon. Papasok na sana kami ng gate ng may marinig kaming ingay ni Elmo. Hinila ko siya sa likuran ng kotse ni Kuya Jay tapos nanuod kami sa nangyayari. Teka, si Ate Einah yun ah.

 

 

“Einah bakit ba kasi hindi mo makita na mahal kita?”

 

 

“Jay, alam mo naman na mahal kita di ba? Pero hindi mo yun nakikita noon. Tapos heto ka ngayon sa harapan ko at sasabihing mahal ako? Ayoko ng masaktan. Ayoko na, pagod na pagod na ang puso ko. Please.”

 

 

“Hindi ko naman sasaktan yang puso mo. Pagod? Bakit ako hindi napapagod na mahalin ka?”

 

 

“Weh? Di nga?” naiyak na si Ate Einah. “Parang hindi naman.”

 

 

“Just let me in Einah, mahal naman kita eh. Ayy, mali. Hindi lang kita mahal, mahal na mahal na mahal na ma…” And they kissed! Waaaa! Mas nakakakilig pala kapag iba ang pinapanuod mo. Susme! Go Kuya Jay! Matagal mong hinantay ang oras na ‘to, i-cherish mo na! :D

 

 

“Sino ba sila?”

 

 

“Ssssh. Wag kang maingay baka maistorbo natin sila.”

 

 

“Naiinggit na nga ako.”

 

 

“Tumigil ka dyan, tama na yang mga hirit mo.”

 

 

“Julie? Anong ginagawa niyo dyan sa likod ng kotse?”

 

 

Patay na! Eh yung nahuli kami?! Ang ingay kasi ni Elmo! Para tuloy kaming mga bata na takot paluin.

 

 

“Ah kasi kuya hinahanap niya yung singsing ko. Di ba Elmo?” Nilakihan ko siya ng mata para magets niya.

 

 

“Singsing?” Tingnan mo nga naman! Sino ang slow saming dalawa?! Tsss.

 

 

“Oo yung singsing ko nga di ba?” siniko ko siya.

 

 

“Ah! Opo, yung singsing… Teka nasan na yung singsing na yun?” My goodness! Nagets niya rin!

 

 

“Ah ganun ba? Siya ba yung ipapakilala mo sakin?” buti naman naniwala si Kuya, magagalit kasi yan kapag nalaman niya na nanunuod kami.

 

 

“Yes, Kuya Jay si Elmo.” Tumingin ako kay Elmo. “Elmo si Kuya Jay.”

 

 

Nag-ngitian silang dalawa tapos nagshake hands. Masyadong formal! Haha. Nagbeso naman ako kay Ate Einah na halatang-halata na umiyak, kunwari nalang hindi ko siya nakitang umiyak.

 

 

“Ate umiyak ka ba?” I lied.

 

 

“Oo, kuya mo kasi pinapaiyak ako.” Tumingin siya kay Kuya Jay tapos napakamot naman sa ulo niya si Kuya Jay.

 

 

“Ano ba yan kuya, sabi ko sayo wag mong papaiyakin si Ate Einah eh!”

 

 

“Hindi naman ah, tears of joy lang yan. Di ba honey?” tumango naman si Ate Einah.

 

 

So sila na talaga?! Waaaaa! Ang sweeeeet! :”>

 

 

“Kayo na? I mean officially?” hindi ko matago ang kilig ko shemay! Tapos ito namang si Elmo ngi-ngiti ngiti sakin, aasarin na naman ako nyan panigurado.

 

 

“Yes.” Sabay na sagot ni Ate Einah at Kuya Jay, matagal na naman silang may feelings sa isa’t-isa talaga kaso nabaling lang sa maling tao ang pagmamahal na dapat ay binuhos nila para sa isa’t-isa.

 

 

“Pasok na nga tayo sa loob, marami kayong dapat ikwento sakin.” Kay Ate Einah ako sumabay, naghawak-bewang kaming dalaw tapos nasa likuran naman namin si Elmo at Kuya Jay, nililigon ko si Elmo mukhang nininerbyos. Nakakatawa lang ang itsura niya, parang ewan. Haha!

 

 

“Lagot ka ngayon babylove. Kay kuya mo sabihin ang kill me now.” I laughed as I talked to myself.

 

 

“Adik ka na naman JA.” Ate Einah laughed too.

 

 

“Alam mo yan ate.” I winked.

 

 

Pumasok na kami sa loob ng bahay at nagpahanda si Kuya Jay ng snacks para sa aming apat. Puro kwentuhan at tawanan lang ang pinag-gagawa namin tapos biglang dumating si Sarah kasama si Sef. Nagulat pa raw siya oh! Buti nalang good mood si Kuya Jay ngayon kung hindi gisa ka Gehbati.

 

 

Sumalo naman agad sila sa amin, tapos tumabi sakin si Sarah, napansin niya yung kwintas ko tapos hinahawakan niya. Bigla siyang natahimik kaya napatingin ako sa kanya.

 

 

“Julie! Bakit ka may kiss mark sa leeg ha?!!!” napatingin sakin silang lahat tapos si Elmo patagong tumawa.

 

 

Elmooooooooooooo! Kasalanan mo ‘to! Gehbati bakit mo sinigaw?!!!! Patay ka sakin mamaya! Akala mo lang >.< Deads ako nit okay Kuya Jay! OH NOOOOOO!

 

 

 

TO BE CONTINUED…..


12 notes
  1. hazelvictoria reblogged this from julielmolovin
  2. julielmolovin posted this
Breakaway Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr