Forevermore Book Four: Chapter 19

Nakaupo lang ako sa harap ng emergency room, hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari. Parang kahapon lang nasa tabi ko si Julie, ngayon nasa kamay na siya ng mga doktor, nakikipaglaban para sa buhay niya at ng mga anak namin.

Ilang beses na akong dumaan sa emergency room, noong pinanganak niya sina Sophie, Lance at Ellie. Pero iba to, iba to sa mga naranasan ko, ibang kaba ang dala-dala ko ngayon. Bakit kasi sa lahat ng babae si Julie pa ang nagkaroon ng placenta previa? Bakit kailangan pang manganib ng buhay nila? Bakit?

“Mr. Magalona?” Bumalik ang lumilipad kong isip ng may narinig akong magsalita. Doktor iyon ni Julie, agad naman akong tumayo para makausap siya ng maayos.

“Kamusta po ang asawa ko at ang kambal doc?”

“Mr. Magalona, didiretsuhin na kita.” Nakatingin lang ako sa kanya habang may may kinukuha siya sa assistant niya. “Humihina na ang vital signs ng asawa mo, nakahanap na kami ng paraan para hindi mawala ang kambal kailangan lang na mag-undergo ng cesarean ang asawa mo para mailigtas natin, at least, ang buhay ng mga bata.”

“At least?”

“Yes Mr. Magalona, hindi biro ang placenta previa lalo na kung mahina ang katawan ng tinamaan nito. Tatapatin na kita, hindi ako sigurado kung kakayanin niya pero kung makakaligtas siya mukhang matatagalan din ang paggising niya. Maaaring abutin ng ilang araw, buwan o taon. Hindi pa natin alam.”

“So temporary na coma siya, ganun ba doc?”

“Yes, but we will try our best to save your wife Mr. Magalona-” Inabot niya sa akin ang isang papel.  “Just please sign this waiver so we could proceed with the operation.”

“Paano po ang mga bata?” Tanong ko bago ko tuluyang pirmahan ang waiver, wala na naman akong ibang choice kung hindi pirmahan iyon. Parehong nanganganib ang buhay ni Julie at ang kambal, hindi ko na alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa mga susunod na oras.

“Kung ang safety nila ang pinoproblema mo, you don’t have to worry. Maraming incubators, besides four weeks left nalang naman before ang due ng asawa mo. Ipagdasal nalang natin na kayanin ng kambal ang pagpapalaki dito sa labas.”

Hindi na ako nakapagsalita pa, pinirmahan ko nalang ang waiver para mapabilis ang operasyon ni Julie. Pag abot na pag abot ko ng waiver sa doktor ni Julie ay kaagad na itong umalis kasabay ng assistant nito.

“Son!”

Napatingin ako sa gawing kanan ko, naroroon si Mama nagmamadaling lumapit sa akin. Hindi na ako humakbang pa, wala na akong lakas para gawin iyon. Ni hindi narin ako umiyak, wala na akong maramdaman ng mga oras na iyon kundi ang tiwala na pagkatapos ng operasyon ay makikita ko si Julie na nakangiti at masaya sa naging desisyon ko na sundin ang kagustuhan niya.

“Are you okay son?” Nag-aalalang tanong niya sakin.

“I’m trying to be okay mom.” Sagot ko naman.

“Buti nalang naisip kong puntahan ka rito, nagtanong ako kanina sa information desk nasa ER daw si Julie? Why?” Sunod-sunod na tanong niya.

“Hindi ko rin alam Ma, basta pagdating ko nalang dinadala na siya dun.” Huminga ako ng malalim. “Hindi ko alam ang gagawin ko kapag talaga nawala siya sakin Ma. Ang dami naming pangarap sa mga bata, ayoko namang ako lang ang tumupad nun.”

“Son, don’t think that way. Your wife is strong, I’m sure she’ll make it.” Niyakap niya ako ng hindi na ako sumagot. Nakatingin nalang ako sa pinto ng emergency room, naghihintay sa paglabas ng doktor para malaman ko kung ano na ang lagay ng mag-iina ko.

***

Nakatulog na si Mama sa balikat ko pero wala paring balita tungkol sa lagay ni Julie at ng kambal. Kung pwede lang sana akong pumasok sa loob ginawa ko na, kaso hindi pwede. Sandali akong pumikit ng isandal ko ang ulo ko sa pader, naalala ko nung mga oras na sinasabunutan niya ako sa tuwing manganganak siya pati narin ang mga pagsigaw niya. Dati akala ko yun na ang worst, hindi pala. Ang pinakaworst pala ay ang walang marinig mula sa asawa mo, yung alam mong nasasaktan siya pero hindi ka makapagreact. Kung mababalik ko lang sana ang panahon, sana mas inenjoy ko pa yung mga oras na sumisigaw siya at nananabunot habang nagle-labor.

“Sir?”

Napamulat ako ng may narinig akong boses malapit sa akin. Pati si Mama nagising dahil sa paggalaw ko dala ng gulat.

“Kamusta ang asawa’t anak ko?” Iyon agad ang lumabas sa labi ko ng makita ko ang nurse sa harapan ko.

“Sir nasa loob pa po ng ER ang asawa niyo mukhang matatagalan pa po sila pero pwede niyo na pong makita ang mga anak niyo, natransfer na po sila sa incubator.”

“Where are they exactly?” Mabilis na tugon ni Mama.

“Ma’am follow me po, I’ll show you the way.”

Tumayo na kami agad para sundan ang nurse, gusto ko ring makita kung ano ang itsura ng kambal knowing that they’re both premature. After ten minutes narating narin namin ang kinalalagyan nila, kinailangan naming magsuot ng suit and mask para hindi sila mahawaan ng kahit anong bacteria. They’re very vulnerable. I cried the moment I saw them.

“Baby girl.” Mahinang sambit ko ng mahawakan ko ang kamay ng isa sa kambal namin. “You look like your mom.” Naririnig ko ang iba’t-ibang machine sa paligid nila, bigla akong naawa ng mahawakan ko sila pareho. Kailangan nila si Julie lalo na sa mga oras na to. Hindi ko alam kung paano sila mabubuhay, pero gagawin ko ang lahat para lumaki silang malusog.

“Paano ang feeding sa kanila?” Napatingin ako sa nurse na kasama namin ng tanungin iyon ni Mama.

“Ma’am breastfeed parin po sila gamit ang machine, kami na po ang bahalang magprovide habang hindi pa kayang iprovide ng mommy nila ang gatas.”

“Safe naman yun di ba?”

“Yes ma’am, finifilter naman po ng machine kaya hindi naman po makaka-cause yun ng harm sa kambal.”

“How long will they stay here?”

“Kapag po nacomplete na nila ang four weeks na kulang sa growth nila ma’am, pwede na po natin silang malipat sa nursery.”

“Okay. Thanks.” Tumingin sakin si Mama. “Bumalik ka na muna sa ER, ako na ang bahala sa twins.”

“Okay mom-” I hugged her. “It’s good to have you here.” I saw her smile.

Hindi pa ako agad umalis, pinagmasdan ko ang mga anak namin mula sa labas. Habang tinitingnan ko sila sa salamin, hindi ko maiwasang mapangiti sa bawat pasipa at pag-inat nila, biglang pumasok sa isip ko na tama nga si Julie, tama ang desisyon niya na buhayin ang mga batang ito. Babies are such a nice way to start people.

“Go!” Nakita ko si Mama na pinapaalis na ako kaya nawala ang focus ko sa kambal. Biglang pumasok sa isip ko si Julie kaya hindi na ako nag-atubili pa na umalis.

Bago pa man ako makabalik sa emergency room nakita ko na may nilalabas gamit ang stretcher kaya naman nagmadali akong tumakbo. Nagdadasal ako habang papalapit ako ng papalapit sa stretcher, wag naman sanang makita ko ang kinakatakutan ko. Ayoko. Huwag naman sana.

“Saan niyo siya dadalahin?” Takot kong tanong sa mga nurse na nakapaligid kay Julie. Hindi nila ako sinagot, nakatingin lang sila sakin na para bang may nangyari.

“Mr. Magalona.”

Tumingin ako sa likuran kung saan nanggagaling ang pamilyar na boses na iyon. “Doc, ano na bang nangyayari sa asawa ko?”

“We’re transferring her to her room.”

“Okay na siya doc?” Biglang nagliwanag ang mukha ko ng marinig ko iyon.

“Hindi pa Mr Magalona, she’s under observation kapag humina ulit ang vital signs niya baka itransfer natin siya sa ICU. Katulad ng sinabi ko kanina, kung makakaligtas man siya hindi natin malalaman kung kailan siya magigising.” Hinawakan niya ang balikat ko. “Ang tapang ng asawa mo Mr. Magalona, kada baba ng vital signs niya nababawi niya lang ulit. Makikita mo talaga sa kanya na lumalaban siya kaya sana lumaban ka rin para sa kanya.”

“Salamat doc. Susundan ko na po ang asawa ko.”

“Okay. Iche-check ko lang ang babies niyo. Mr Magalona-” She paused. “Faith can move mountains. Always remember that.”

Ngiti at tango nalang ang naisagot ko sa kanya bago ako tumalikod para puntahan kung nasaan ang asawa ko. Faith can move mountains. Siguro nga, kasi ngayon binigyan niya ako ng bagong pag-asa na mabuo at mas maging masaya ang pamilya ko. Mahirap makipaglaro sa sitwasyon namin ngayon pero gagawin ko, magiging matapang ako para kay Julie at sa mga anak namin. After all, life is still a game that must be played. And yes, I’ll take this as a challenge.

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 18

Medyo matagal narin ako sa ospital nakakasawa na ang pagkain, ang amoy at pati narin ang mga taong nakikita ko na labas-pasok ng kwarto ko. Wala namang nagbago, mahina parin ang katawan ko at sa tingin ko mas lalo pang hihina ang katawan kung hindi pa ako uuwi ng bahay.

Miss na miss ko na ang mga anak ko, palaging sumasagi sa isip ko kung nakakain na ba sila, maayos ba ang tulog nila, namimiss din ba nila ako? Gustuhin ko man silang makita pero hindi pwede, ayokong makita nila ako ng ganito. At kung saka-sakali mang mawala ako sa mundo at least yung malakas na Mommy Julie ang nasa isip nila. Hindi ako natatakot, hindi talaga. Iyon nga lang hindi mawala sa isip ko ang pwedeng mangyari sa kambal, kung saka-sakali bang mawawala ako kakayanin nilang mabuhay ng wala ako?

Biglang nawala ang tapang ko, bigla akong natakot. Paano nga kaya ang mga anak ko kung mawawala ako? Hindi ko ata kakayanin na iwan sila ng basta-basta. Nagdadalaga na si Sophie, gusto ko siyang makitang umattend ng prom, gusto ko pa siyang samahan sa mga gusto niyang gawin. Si Lance, medyo makulit parin siya but soon magbibinata narin siya at gusto kong makita kung paano siya kiligin, gusto ko ring nasa tabi niya kung saka-sakaling masasaktan siya. Si little Ellie ko naman, gusto ko siyang makita sa lahat ng recitals na aattendan niya sa lahat kasi ng anak ko siya ang pinakanagmana sa hilig ko sa piano.

Parang landslide na gumuho ang mga pangarap ko sa desisyon kong ito. Pero anong magagawa ko? Mga anak ko parin ang pinag-uusapan dito.

Sinubukan kong tanggalin ang mga aparato na nakakabit sa katawan ko. Wala naman sigurong mangyayari basta may oxygen parin na nakasupport sakin. Pinilit kong tumayo matapos kong matanggal ang mga humahadlang sa pagtayo ko, humawak ako sa gilid ng kama pati narin sa mesa sa gilid ko para makatingin sa labas ng bintana at makalangahap ng sariwang hangin.

Buong lakas kong hinawi ang kurtina, tumambad sa akin ang sikat ng araw. Napangiti ako. Matagal-tagal narin kasi simula noong huli akong nainitan ng araw, nakakamiss din pala. Itinulak ko na ang bintana para makapasok na ang hangin, medyo hindi fresh sa pakiramdam pero ayos narin, kung pwede ko nga lang tanggalin ang nakalagay sa ilong ko gagawin ko pero ayoko baka kasi ito pa pagsimulan ng mas marami pang komplikasyon. Mahirap na.

Pero teka parang may kulang? Tumingin ako sa paligid ko pero wala si Elmo. Nasaan kaya siya? Himala wala siya sa tabi ko. Mabuti narin siguro yun, makakatayo ba ako ng tulad nito kung nandyan siya. KJ pa naman yun.

Halos ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng bintana, medyo nahihilo na ako kaya humawak muli ako sa mesa. Hindi ko sinasadyang madanggil ang radyo. Wow radyo. Agad ko iyong binuksan at naghanap ng magandang istasyon, gusto ko ng mellow. I want to relax.

Naupo ako ng makahanap na ako ng magandang station, paglisan ng color it red ang tumugtog.

Kung ang buhay ay isang
Umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang
Sinusuyo ng bituin

Di mo man silip ang langit
Di mo man silip
Ito’y nandirito pa rin

Ang ganda ng beat, sapat para marelax ang utak ko. Sa tahimik ng kwarto halos ang kanta lang na iyon ang naririnig.


Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

Hindi ko maiwasang maiyak sa bawat lirikong binibitawan ng kantang iyon dahil para bang isa-isa silang pumapasok sa bawat parte ng katawan ko. Nakakakilabot.

Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit
Sa pisngi ng langit

Di man umihip ang hangin
Di man umihip
Ika’y nandirito pa rin

Sumabay na ako sa huling verse dahil sa ganda ng mensahe nito. Sobrang nakakadala.


Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating
Din sa paroroonan
At sa iyong paglisan
Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

Napatayo muli ako pagkatapos ng kanta. Sinubukan kong mag-isip matapos kong patayin ang radyo. Akala ko makakapagrelax ako ng tuloy-tuloy sa tunog ng kanta pero hindi pala, mas napapaisip lang ako lalo.

May katapusan nga ba talaga ang lahat ng ito? Muli akong nahilo matapos ko iyong tanungin. Napahawak ako sa stand ng dextrose ko pati narin sa tiyan ko. May naramdaman ako sa hita ko kaya hinawakan ko iyon kahit na patuloy ang hilong nararamdaman ko. Dugo. Tama ba? Dugo nga ba ang nahawakan ko?

“Mrs. Magalona!” Napalingon ako ng may sumigaw sa loob ng kwarto, malabo na siya sa paningin ko pero tanda ko pa ang boses niya, siya ang nurse na naka-assign sa akin. “Bakit niyo po tinanggal ang mga nakakabit sa inyo?”

“May dugo.” Nanginginig na sambit ko sa kanya dahil hindi ako sigurado sa nakita ko. Sobrang hilong-hilo na ako.

Naramdaman ko ang pagcheck niya sa akin. Naramdaman ko rin ang paghinga niya na halatang may halong kaba. Matagal bago siya nagsalita at ng gawin niya iyon alam kong delikado na ang sitwasyon ko. “Doc!!!” Huling sigaw niya na narinig ko.

***

Son, are you sure? Can you do it alone?

I don’t know Mom. Just please take good care of the kids.

I will. Take good care of yourself too. I will pray for Julie’s safety.

Thanks Mom.

Iyon ang  huli naming usapan ni Mama bago ako pumunta ng ospital. Dala ko ang binili kong bulaklak at mga prutas para kay Julie. Tulad ng dati may mga nurse at doktor na tumatakbo kung saan saan. Nagpatuloy ako sa paglalakad, huminga ng malalim bago tulyuyang buksan ang pinto ng kwarto ni Julie. Sinubukan kong ngumiti para kung sakaling gising siya makikita niyang okay ako, at sa paraang iyon mapapasaya ko siya.

Pero hindi iyon ang nangyari…

Pagbukas ko wala si Julie.

Sumabog ang mga prutas na dala ko, nalaglag ang bulaklak na hawak ko. Dali-dali akong tumakbo sa emergency room, doon lang naman pwede siyang dalahin. Pagtakbo ko sa kaliwa, nakita kong maraming taong nakaharang kaya nag-isip ako ng paraan para makapunta ng mas mabilis sa emergency room. Pumunta ako sa isa pang hallway, tumakbo ako sa abot ng makakaya ko at nang makarating na ako sa ER nakita ko ang stretcher kung saan nakahiga si Julie. Nanghina ako, parang nanlambot tuhod ko bago pa man ako makalapit sa kanya.

May nagpa-pump ng oxygen sa kanya, nakamulat si Julie pero hindi ko alam kung nakikita niya ako. Nilakasan ko nalang ang loob ko, hindi ako nagpakita ng hina ng makalapit ako sa kanya. Sumasabay ako sa takbo ng stretcher habang hawak ko ng mahigpit ang nanlalamig niyang kamay.

“Mr. Magalona hanggang dito nalang po kayo.” Utos sa akin ng nurse ng tumigil kami sa harap ng emergency room.

“Kakausapin ko lang siya.”

“Pero Mr. Magalona-”

“Damn! I just want to talk to my wife! Saglit lang.” Nangingiyak at nanghihina kong pakiusap sa kanila. Nakatingin lang sa akin si Julie, alam kong alam niya ang nangyayari. Alam kong natatakot siya. Alam ko… “Julie, please hold on.” Pinunasan ko na parang bata ang mga luha ko. “Hinahantay ka na ng mga anak mo, they need you. We need you honey. Please don’t leave us too soon.” Hinaplos ko ang buhok niya ng makita kong tumulo ang luha niya sabay halik sa kanyang noo. “Kapit ka lang okay? Hahantayin kita sa labas nito, hahantayin ko ang pagbalik mo. Basta ipangako mo na babalik ka kasi Julie-” Wala na akong pakialam kung nakikita nila akong umiyak, inilabas ko na ang lahat ng pwede kong ilabas. I have to motivate her. She has to come back. “hindi ko talaga kaya ng wala ka. Hindi ko kakayanin kaya dapat bumalik ka.”

“Mr. Magalona I’m very sorry but we really have to take her inside.” Hinawakan na ako ng dalawang lalaking nurse papalayo kay Julie pero nagmatigas parin ako para makalapit sa kanya.

“I love you.” Hinalikan ko muli ang noo niya habang mahigpit ang pagkakakapit ko sa kamay niya. “I will wait for you. You have to come back.” Nakita kong tumango siya. Ayoko ng ganito hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Hindi ko na kayang tingnan siya ng ganito “I love you Julie.”

The moment I let her go… I knew..

 I just knew that she would come back.

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 17

Ang sakit. Ang daming masakit sa katawan ko, daig ko pa ang binugbog. Ang bigat din ng mata ko halos hindi ko na nga maimulat – pero pinilit ko. I have to…

Ramdam kong maraming nakakabit sa akin at sa dami nila ni hindi na magawang gumalaw ng katawan ko. Nang buksan ko ang mga mata ko nakita ko agad si Elmo, nakaupo siya sa tabi ko at masama ang tingin sa akin.

Patay. Patay talaga.

“Hi.” Sinubukan kong magsalita pero hangin lang ang lumabas sa bibig ko kaya sinubukan kong i-clear ang lalamunan ko para makapag-attempt muli na magsalita. “Good morning handsome.” Nakangiting batik ko sa kanya pero ni hindi man lang siya sumagot ni hindi nga ngumiti pabalik sa akin, nakapokerface lang. Mas natakot ako, hindi ako sanay na ganyan siya. “Is something wrong? Am I dying?” Mas sumama pa ang tingin niya sa akin ng sabihin ko iyon, I wish I could take it back.

“Hanggang kailan mo sakin kailangang itago to?”

“Ang alin?” Maang-maangang sagot ko.

“Alam nating pareho ang sinasabi ko.” Pagsusungit niya.

“Hanggat kaya ko.” Sagot ko naman sa kanya.

“Hanggat kaya mo?” Tumahimik siya saglit. He was trying to compose himself para siguro hindi niya ako masigawan. “Sa tingin mo ba kaya mo pa?”

“Kumusta ang mga bata?”

“Don’t change the topic Julie.”

“Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan?” Pinikit ko ang mga mata ko dahil mukhang may napwersa sa katawan ko ng itaas ko ang boses ko. Alam niyang nasasaktan ako, nakikita ko sa mata niya ang concern pero tinitiis niyang hindi ako lapitan. “Elmo ayokong makipag-usap sayo ngayon.” Tumingin nalang ako sa ceiling kaysa sa kanya na puro stress lang ang nakikita ko.

“Yan!” Napatingin muli ako sa kanya ng itaas niya ang boses niya. “Yan ang problema sayo, kapag ayaw mo ayaw mo kapag gusto mo gusto mo. Paano naman ako? Kami?”

“Ano bang problema? Kung makapagsalita ka naman parang ang sama ng lagay ko.”

“Sa tingin mo ba hindi Julie?”

“Kaya ko to.”

“Mukha nga, kaya nga sinasarili mo nalang lahat di ba?”

“Elmo kung nandito ka lang para sigawan at awayin ako mas mabuti nalang na umuwi ka nalang. Mag-usap nalang tayo kapag malamig na pareho ang ulo natin.”

“Tatlong araw ka ng hindi nagigising. Alam mo ba yun?” Natahimik kaming pareho, nakatitig lang ako sa kanya at ganun din siya sakin. Nakikita kong naluluha siya. At nakikita ko rin ang pagod sa mga mata niya. Hindi ako nagising ng tatlong araw? So kung hindi ako nagising ngayon, pang-apat na araw ko ng hindi nagigising? Hindi. Parang… parang wala pa ngang eight hours ang tulog ko.

“Seryoso ka ba sa sinabi mo?”

“Sa tingin mo ba makakapagbiro pa ako sa lagay mong yan?”

Kung ngayon lang ako nagising, sa dami ng mga apparatus na nakalagay sa katawan ko baka – bigla kong hinawakan ang tiyan ko. “Kamusta ang kambal?” Nag-aalala kong tanong sa kanya. “Nasa tiyan ko parin naman sila di ba?”

“Julie-”

“Elmo sagutin mo nalang ang tanong ko!”

“Hindi ko masasabi pa sa ngayon.”

“Anong hindi? Simpleng oo o hindi na sagot hindi mo masabi?” Inis na sambit ko sa kanya.

“Ang sabi ng mga doctor under observation ka – kayo ng mga anak natin.” He paused. “Maraming complication daw ang pwedeng mangyari kaya dapat ready tayo sa mga pwedeng mangyari.”

“Diretsuhin mo nalang kasi ako.”

“They might pull the babies out.”

“What?!” Umiling ako kaagad. “Hindi, itutuloy ko to. Do you hear me? Itutuloy natin to.” Pagmamatigas ko. Hindi ko na magawang umiyak dahil alam ko na kailangan kong ipaglaban ang mga anak ko. Hindi ito ang oras para maging mahina.

“Julie wag ka ngang selfish.”

“Ha.” Naiinis ako na natatawa ng marinig ko yun kay Elmo. “Ako pa ang selfish? Hindi ba ikaw?”

“May mga anak pa tayo.”

“At anong tawag mo dito sa dinadala ko? Hindi mo anak?”

“Don’t make it hard for me to decide Julie.”

“Wala kang gagawing desisyon Elmo, at kung meron man yun ay sabihin sa mga doktor na yan na kahit anong mangyari itutuloy natin to.”

“Julie makinig ka.” Sinamaan ko siya ng tingin habang lumalapit siya sakin pero hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko kasi gusto kong maramdaman ang presence niya. Gusto kong maramdaman na papayagan niya ako sa desisyon ko para sa mga anak namin.”Julie I can’t loose you. Not now please.”

“Sino bang may sabing mawawala ako?” Hinawakan ko ang kamay niya para mawala ang takot niya. “Hindi ako mawawala okay? And besides kung mawawala man ako, marami namang magagandang artista dyan na pwedeng maging mommy ng mga anak natin. Hindi ako magagalit, promise.” Biro ko pa sa kanya.

“It’s not the right time to joke.” Tiningnan niya ako ng masinsinan. “Sabi ng mga doktor, kapag pinagpatuloy pa natin to hindi nila alam kung ano ang pwedeng mangyari sayo.”

“Pero safe ang mga bata?”

“Hindi rin nila alam yun.”

“So anong problema?” Biro ko ulit sa kaya, sobrang seryoso na ayoko ng tinatakot ako ng tulad nito. Ipapanganak ko ang mga batang to sa ayaw at sa hindi ni Elmo.

“Julie pwede ba for once, try to be serious?”

“Ano ba gusto mo? Na mastress ako? Elmo-” I paused. “I’m trying to have a positive outlook with this situation. Just trust me okay?”

“Kung itutuloy natin to, pwedeng hindi ka na magising. Hindi nila alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sayo so please cooperate. Let’s stop this.”

“Are you trying to tell me to undergo an abortion?”

“Julie hindi.”

“Eh ano?”

“They will be taking our babies out to save you.”

“That’s exactly my point, Elmo kaht anong sabihin mo, kahit gaano mo pa kaganda ideliver ang gusto mong maparating at the end of the day papatayparin tayo.”

“Ayoko kitang mawala, kailangan ka namin nila Sophie.” Alam kong iiyak na siya, nanginginig na ang mga kamay niya pati ang boses niya. Pero pipilitin kong hindi bumigay, hindi ako takot mamatay kung ang buhay naman ng dinadala ko ang kapalit. They deserve to live. I want them to live.

“Subukan lang natin, kung ano man ang magiging resulta nito dapat maging masaya because in the first place you want this.”

“I do not want this anymore. I want you.”

“Now you’re being selfish.”

“Selfish na kung selfish Julie pero ito-” Nag-glance siya sa tiyan ko. “Kaya naman natin magkaroon pa ng marami pang anak kapag okay ka na. Wag lang ganito please, natatakot ako.”

“Wala kang dapat ikatakot.” Ngumiti ako sa kanya ng makita kong tumulo ang luha sa mga mata niya. “Walang mangyayaring masama sa akin o sa mga anak natin basta trust me. Yun naman talaga ang dapat nating gawin sa mga sitwasyong tulad nito di ba? Kailangan nating magtiwala sa isa’t-isa.”

“Nagtitiwala naman ako sayo pero Julie-”

“Shhh” I hushed him and tried to wipe his tear off his face. “Wag ng ang daming pero, magagawa natin to. I promise you.” Inoffer ko sa kanya ang hinliliit ko para makipagpinky swear. “Promise ka rin.” Nakangiti parin ako dahil kailangan kong maging malakas para sa pamilya ko at dahil alam ko at may tiwala ako na malalampasan namin to.

“Kahit sa tingin ko mali sasamahan parin kita sa desisyon mong to kasi mahal kita Julie. Mahal na mahal.” Nakipagpinky swear din siya sakin kaya naman mas lumaki ang ngiti sa labi ko. “You better fulfill your promise.”

I smiled. “And you better loosen up my love.”

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 16

Ilang buwan narin ang nakalipas nang malaman namin na kambal ang dinadala ko. At sa bawat buwan na dumaraan, napapansin ko na parang may nagbabago sa akin. Bukod sa pumapayat ako medyo lumulubog narin ang mga mata ko, daig pa noong mga araw na nagpupuyat ako dahil sa trabaho.

It really seems and feels like my body is deteriorating.

And I’m scared.

Really, really scared of what’s going to happen next…

“Bed rest parin?” Tanong sakin ni Elmo habang chinicheck niya ang temperature ko kasabay ng paghaplos niya sa buhok ko.

“Sige na, igala mo na ang mga bata. Okay lang naman ako rito.” Pinilit kong ngumiti kahit na may nararamdaman akong kumikirot, hindi ko alam kung saan basta makirot. Walang alam si Elmo sa nararamdaman ko ngayon, ayokong malaman niya dahil natatakot ako na baka maramdaman niya rin ang takot na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Simula noon hanggang ngayon, Elmo has always been the sweetest, most loving and patient guy I know. He makes my breakfast, lunch, and dinner every single day and is sure to include all the healthy snacks and vitamins I need to fulfill at the end of the day. He gets me water, ice cream or whatever I want when I ask and it’s almost like he enjoys doing it.  My most favorite part about Elmo is that he tells me that he loves me all the time and I don’t even have to ask for it.

I remember the other night, we were staying up late watching movies together with our kids. Every time Elmo got up to do something he told me he loved me. Medyo nakakasawa na nga pero hindi naman ako nagrereklamo. Medyo lang. Haha

And then all of a sudden I threw him a question when the kids were already fast asleep, I asked him; Hey, do you love me more now that I’m pregnant with our fourth (technically fourth and fifth) child? He answered; isn’t that supposed to happen? We’re supposed to grow in love as we get older? Well, he got me in there and it felt like my pregnancy problems lightened. I gave him a quick kiss. That’s his reward for being so consistent.

I can definitely say that he’s excited and happy about my pregnancy, the life we have now…pretty much everything. And I don’t want to take that away from him. Not today or the day after tomorrow or even the following days after that.

Alam ko magagalit siya pero bahala na atleast ngayon alam kong masaya siya.

“Hindi ka ba talaga sasama?” Nagising ang lumilipad na isip ko ng muling haplusin ni Elmo ang noo ko, tapos na pala siyang magbihis hindi ko man lang napansin.

 “Oo mas okay na nakahiga nalang muna ako, medyo nag-iinarte ata ang kambal.” I giggled. “Sabihin mo nalang sa tatlo na next time sasama na ako, pabantayan mo ng mabuti yung mga bata ha?”

Ngumiti siya sakin pero alam kong may pag-aalangan ang ngiting iyon, siguro nararamdaman niya ng may problema sa akin kaya mabilis akong nagpalit ng gear, nagkunwari akong okay na kahit na mahirap.

“Namumutla ka.” Pansin niya habang tinitingnan niya ang buong mukha ko. “Is there something wrong?”

“Hindi ka lang sanay na wala akong make-up siguro.” Palusot ko sabay tawa. “Sige na, kiss me then leave baka naiinip na yung mga yun.”

“I don’t feel like going out. May mali talaga sayo.” Pangungulit niya pa.

“Elmo, nandyan naman si Manang sa baba, kung gusto mo tawagan mo siya para itanong kung okay ako.” Hinawakan ko na ang kamay niya para makumbinse ko siya, gusto ko rin namang makapag-enjoy ang mga bata medyo matagal-tagal narin simula noong huli kaming lumabas ng bahay. “I swear I’m okay.”

“Okay.” Medyo kumbensidong sagot niya. “Basta kapag may kailangan ka tawagin mo lang si Manang, kapag may gusto kang ipabili tawagan mo agad ako.” Yumuko na siya para halikan ako.

“Yes boss.” Pabirong sabi ko sa kanya. ”Enjoy.” Ngumiti lang muli siya sakin bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang papalayong tunog ng sasakyan namin. Sa wakas hindi ko na kailangang magpretend. Sinubukan kong tumayo pero bawat galaw ko parang may napuputol na ugat, masakit… sobrang sakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin to pero sa tuwing naiisip ko na konting tiis nalang biglang lumalakas ang loob ko.

Humawak ako sa mga stable na pwedeng kapitan sa awa naman ng Diyos nakakagalaw pa ako kahit paunti-unti lang. Huminga ako ng malalim bago ako ulit humakbang pero ng subukan kong muli biglang nanghina ang tuhod ko, hindi ako pwedeng matumba kaya kahit nanlalambot na ako pinilit ko paring humawak sa kahit saan nalang.

Narinig kong may nahulog. Narinig kong may nabasag. Ewan ko pero medyo nanlalabo rin ang paningin ko, nanlalamig ang talampakan ko at mga kamay ko. Bigla akong kinabahan at napasabi ng, Elmo

“Ma’am Julie! Sus maryosep!” Naramdaman kong hinawakan ako ni Manang pero hindi ko na magawang makapagsalita pa. Medyo nanginginig siya at sa tingin ko may ginagawa pa siyang iba. “Hello Sir Elmo balik na kayo–” Narinig ko pa ang mahinang boses ni Elmo over the phone. Gusto kong agawin ang cellphone mula kay Manang pero wala na talaga akong sapat na lakas para gawin iyon. “kailangan nating dalahin si Ma’am Julie sa ospital ngayon din!”  Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.

 

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 15

Nanood ako ng serye ni Moe, and unfortunately, ngayon pala ang bed scene niya with her leading lady. Sobrang intense! Ang swerte ko di ba? Ang hirap pala ng may artistang asawa. Hindi dapat ako magseselos, hindi dapat talaga pero nung dumating pumasok siya sa kwarto namin matapos niyang patulugin ang mga bata nagulat nalang ako ng mawala sa kamay ko ang binabasa kong libro… nabato ko na pala kasi sa kanya.

“Aray naman Julie!” Gulat na sabi niya sakin. Gusto kong matawa sa reaksyon niya na dahil halatang-halata na hindi niya alam ang nangyayari pero ewan ko ba mas nangibabaw ang inis ko. Pregnancy hormones alert.

“Bakit parang totoo ang bedscene na yun? Ang usapan natin wag masyadong intense ah!” Nangingilid na ang luha sa gilid ng mga mata ko, ang sakit narin ng lalamunan ko kasi pinipigilan kong hindi maiyak sa harap niya.

“Bedscene?” Napatingin siya sa tv namin na commercial na ang palabas ngayon, alam kong gets niya na kasi pinatay niya na iyon. “I told you not to watch my show.” He climbed to our bed and he wiped my tears. Tumulo na pala ang luha ko di ko man lang napansin. “Napag-usapan na natin yun di ba?”

“Nakakainis ka kasi hindi ka natupad sa usapan.” Siniko ko siya, hindi ko alam kung malakas, bahala na siya. Masakit din naman mapanood ang asawa mong may kalovescene na iba kahit na drama lang no.

Narinig ko siyang tumawa bago siya humiga sa tabi ko. “Hindi ka rin naman tumupad sa usapan so kwits tayo.” Sinamaan ko lang siya ng tingin ng sabihin niya iyon. “Wala naman kasi talaga yun, sinunod ko lang si Direk.” Nilalambing niya ako habang ako naman, tinutulak ko siyang palayo.

“So si Direk na ang asawa mo ngayon?!”

Natawa ulit siya. “Bakit kapag nagagalit ka sakin binabato mo agad ako ng kung anong hawak mo? Nung una magazine, ngayon naman libro.”

“Ang layo niyan sa tanong ko.”

He laughed again. “Bakit muna?”

“Nakakainis ka nga kasi. O ayan gets mo na?”

“Alam mo matulog nalang tayo, hindi ka ba excited para bukas? Malalaman na natin kung ano ang gender ng baby.” Excited na sabi niya sakin habang panay parin ang pagyakap niya kahit tinutulak ko siya.

“Mas excited akong itulak ka papunta sa sahig.” Humiga narin ako pero tumalikod sa kanya, and as usual, nakayakap parin siya sakin.

“Ang cute mong magselos.”

“Hindi ako nagseselos, nagagalit ako.”

“Ba’t ka nagagalit?”

“Kasi nagseselos ako.” Pareho kaming natahimik. Mamaya-maya sabay na kaming tumawa na parang mga bata. Humarap na ako sa kanya sabay kurot sa braso niya. “Nakakainis ka talaga kahit kailan.”

“Okay lang na mainis ka sakin kahit paulit-ulit pa basta dyan ka lang.” Hinalikan niya ang noo ko. “Tulog na tayo?”

Tumango lang ako sa kanya tapos humiga na ako sa braso niya. Unan ko na ata yun hanggang sa tumanda kami. Ewan ko kung nangangalay siya pero hindi naman siya nagrereklamo kinaumagahan kaya nag-aassume ako na okay lang talaga. “Last question nalang-”

“Ano yun?” Antok na ang boses niya ng sumagot siya sa akin.

“Last na bedscene na yun?”

“Kung sa serye, oo. Kung sayo-” Hinampas ko na ang braso niya kasi alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin niya.

“Baboy ka.”

“Baboy ka rin.”

Tinulak ko siyang papalayo. “Anong sabi mo?!”

Kinabig niya naman ako papalapit muli sa kanya. “Ang sabi ko mahal kitang baboy ka.” Sabay tawa niya.

***

Another brand new day. Mahirap maging nanay ng tatlong bata plus itong bata na papalabas palang pero masaya naman, inasikaso ko muna sila bago ko asikasuhin ang sarili ko. Usually madaliang kilos lang talaga dahil masyadong mainipin ang mga bata lalo na si Lance.

11am nang matapos kaming magprepare. Si Lance at Ellie pawisan na naman kaya kinailangan kong palitan ulit sila ng damit, si Sophie naman behave na nagpa-piano nalang kasama si Moe habang hinihintay niya kaming matapos.

Masaya sa feeling kapag nakikita mo sa mga anak mo ang namana nila sayo o sa asawa mo, parang dati lang nasa tyan ko sila ngayon hilig narin nila ang hilig namin ni Elmo.

“Mommy.”

Nilingon ko si Ellie habang nilalagyan ko si Lance ng powder sa dibdib. “Yes baby?”

“I made this for you.” Iniabot niya sakin ang nakatuping bondpaper, excited na excited ang mukha niya kaya naman sinuot ko agad kay Lance ang panibagong t-shirt na kinuha ko sa closet niya. When I opened the paper, nakita ko agad ang drawing ni Ellie na baby, hindi ko alam kung boy or girl basta ang alam ko baby yun orange kasi ang color na nilagaya niya. Haha. I noticed the note and it made me laugh in an instant. It says, ‘Mommy wouldn’t get so sick if she’d stop eating all those babies.’ Naalala ko na, kahapon kasi wala ng choice kung hindi ako ang maghahatid sa kanila, while on our way I had to pull over to throw up. Morning sickeness kasi, when I got back Ellie asked me if I was okay and I told her I’m okay my love, sometimes when mommies have babies in their tummies they feel a little sick.

“Hahaha. Halika nga dito.” Kinurot ko ang chubby cheeks niya. “I love you, Ellie.” And then I kissed her lips. “Mommy loves you so, so much.”

“I love you too mommy.” She said with her sweet voice on.

“What’s that mom?” Tanong naman ni Lance, pinakita ko sa kanya ang note at natawa rin siya. “Ellie-“ Nagkatinginan sila ni Ellie. “babies are made when Mom and Dad kiss. Right mom?”

Mas natawa ako ng sabihin iyon ni Lance. Bata parin talaga sila, wala pang alam sa mundo. At sana talaga, kung pwede, ganito nalang sila parati. Sana hindi na sila lumaki. “You know what kids, let’s just go to daddy and Ate Sophie. We have to go.” Hinawakan ko na pareho ang kamay nila, ayoko ng sagutin ang tanong tungkol sa baby. I’m not good at that.

“What took you so long?” Tanong ni Elmo ng makababa kami sa hagdan at makalapit kami sa kanya.

“They’re asking me how babies are made.” Bulong ko kay Elmo, natawa kaming pareho.

“Anong sabi mo?”

“Segway, as usual.” Natawa ako sabay abot sa kanya ng artwork ni Ellie.

“Ano ‘to?”

“Basahin mo.”

Narinig ko siyang tumawa matapos kong pasakayin sa backseat ang tatlong bata. Nagkatinginan kami bago siya pumasok sa driver’s seat habang ako naman sa frontseat.

“Stop murdering all those babies, Mom.” Biro niya kaya mas natawa pa ako.

“Alam na alam talaga kung kanino mana ang mga anak mo.” Naiiling ako na natatawa matapos naming pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labi namin habang nabyahe kasi ang mga anak namin kung ano-ano na naman ang mga kinikwento. Tama nga sila, mas masaya kapag mas malaki ang pamilya.

After half an hour nakarating narin kami sa ospital, nagpa-ultrasound ako with my kids and they were amazed by the process. Dahil natutuwa sa kanila ang doktor ko pinatry sa kanila ang device na ginagamit to locate the baby. Enjoy na enjoy naman ang tatlo, akala siguro nila laruan ang tyan ko. After the ultrasound dumating na si Elmo dala-dala ang mga pinabili nila Sophie, Lance at Ellie. Gutumin kasi ang mga bata kaya ayan daddy duties muna si Elmo, hindi niya tuloy nakita ang bata na nasa loob ng tyan ko. Well, hindi ko rin naman masyadong natitigigan ang monitor, I was so busy watching my kids enjoy my ultrasound.

We let our kids eat before we went to my doctor’s office. Nagulat ako ng may ilabas na cake ang doktor ko. Hindi ko naman birthday kaya inassume ko na baka birthday niya.

“Mr. & Mrs Magalona, alam ko matagal ko na kayong patient kaya for this special day deserve niyo ang cake na ‘to.”

“Nag-abala ka pa Doc.” Biro ni Elmo.

“Doc, yung result po pala available rin naman today di ba?” Tanong ko kasi nahalata ko na wala siyang dalang envelop usually naman kasi right after my ultrasound ready na yun.

“Yun ang reason ng cake-” She laughed. “This is our new way of announcing the gender of the babies.”

“Paano po namin malalaman ang gender ng baby gamit ang cake?” Tanong ni Elmo.

“Easy lang-” Nakangiti siya samin. “Kapag blue, ibig sabihin lalaki ang anak niyo kapag naman pink, ibig sabihin babae.”

“Cool.” Elmo was really amazed.

“Mommy-” Hinihigit ni Ellie ang maternity dress ko.

“Why Ellie?” I asked her.

“Can we slice the cake?”

“Sure.” Nakangiti kong sagot sa kanya. “Be careful ha.”

Kumuha na ng cake knife ang tatlo and they cut it in different ways. Atleast, they gave the cake some justice, matino parin namang tingnan kahit papano.

“Mommy, the colors are pink and blue!” Sabay-sabay na sabi nina Sophie, Lance and Ellie, nagkatinginan kami ni Elmo, pareho kaming napatayo sa kinauupuan namin para tingnan kung pink and blue nga.

“So it means…” He said while he’s looking at me.

“We’re having twins?”

 

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 14

“Elmo gusto ko ng nachos.”

“Tara bili tayo.”

“Ayoko, tataba lang ako lalo.”

“Hindi, normal lang naman yan. Maganda ka parin sa paningin ko.”

“Promise?”

“Promise.”

Everytime na nagbubuntis ako yan ang palaging sinasabi niya sakin. Na maganda parin ako sa paningin niya, kesyo sexy parin ako at kung ano-ano pa. Lahat na ata ng pambobola narinig ko na sa kanya. Ang sweet ba? Yes, sweet nga. And aside from his sweetness, he also cares for me A LOT, most especially when I am pregnant.

Kapag buntis ako palagi lang siyang nandyan, he’s providing pretty much everything. But right now, iba ang sitwasyon. My husband is currently suffering from Couvade Syndrome. In other words, he is pregnant too.

Ang weird no? Nakakatawa kung iisipin. Kahit ako hindi ko naimagine na pwede pala ang sitwasyon naming dalawa ngayon. Napasa sa kanya ang morning sickness ko even the cravings mostly nasa kanya narin. Minsan nahihilo siya at gusto palagi lang nasa kama, naaawa na nga ako minsan kasi pati trabaho niya naapektuhan na. Pero anong magagawa ko kung ang ama ng dinadala ko ay nagdadalang tao rin?

Hindi naman nalaki ang tiyan niya. Sakin lang talaga. It was like my job is to carry the baby inside me. Nothing more. Nothing less. I am absolutely fine pero syempre kailangan ko parin ilagay sa isip ko na I am still prone to miscarriage. Kailangan talaga ng doble ingat.

Simula nung malaman namin na may couvade syndrome si Elmo nagsimula ng lumawak ang pasensya ko. He’s very moody. Well, moody naman talaga siya pero mas malala ngayon. Lumakas din siyang kumain at dahil nga gusto niyang palaging nakahiga nawala na sa bokabularyo niya ang salitang workout.

“Hon?”  Malambing na sambit ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin.

“Hmm?” Halatang antok na antok ang boses niya, kakatulog lang kasi namin pero kasi biglang parang gusto kong kumain ng cheeseburger for no reason. Nagke-crave parin naman ako kahit papaano pero not as much as Elmo’s.

Dahan-dahan niyang minulat ang mata niya sabay tingin sa akin. “Mcdo?”

“Anywhere, gusto ko lang talaga.”

“What time is it?”

“Two in the morning.” Natatawa ako habang sinasabi ko yun. “Okay lang ba?”

“Sige.” Tumayo na siya at isinuot ang sando niya. Have I mentioned? I think not yet. Elmo likes to sleep shirtless, or on our present case, tank top less. “Gusto ko rin ng fries.”

“Yes!” I told myself. Umalis narin ako sa higaan para kumuha ng cardigan sa closet. Sabay kaming lumabas ng bahay papunta sa garage, nag-start lang siya ng kotse for a few minutes after nun umalis narin kami.

I was looking at him while he was driving. Nahikab pa siya habang nakafocus ang tingin niya sa kalsada. Dahil medyo antok din ako, itinaas ko ang paa ko sa kinauupuan ko at inayos ko ang aking upo para makasandal sa braso niya.

“Nahihirapan ka na ba?”

“Saan?” Tanong niya.

“Sa sitwasyon mo?”

“Oo pero ginusto ko naman to.”

Natawa ako sa sinabi niya. “Bakit kasi ang weird?”

“Kasi weird ka.” Natatawang sambit niya sakin. Ito namang kamay ko, automatic na hinampas ang braso ni Elmo. “Aray naman.” Nang maramdaman kong lumiko siya, umayos na agad ako ng upo dahil alam kong malapit na kami sa Mcdo.

“Bagay lang yan sayo.” Nagcross arms ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Papunta na kami sa drive thru, at dahil 2am palang wala pa masyadong nakapilang sasakyan doon.

“Welcome to Mcdonalds, can I take your order?”

“Three cheeseburgers and three large fries please.” Sagot ni Elmo.

“Drinks sir?”

“Alacarte.”

“Okay sir.”

After a few minutes, iniabot na ang order namin. We then paid and drove back home. Ito na ata ang buhay namin sa mga susunod pang mga buwan. Sobrang hirap.

Nang makauwi na kami, dumiretso agad kaming pareho sa kwarto. Magkaharap kami habang nakain, hindi ko maiwasang matawa kasi parang ngayon lang kami parehong nakakain ng Mcdo.

“Nakakapraning pala kapag kasabay kitang maglihi.”

Natawa rin siya. “Mas nakakapraning ang maranasan kung pano magbuntis.”

“Alam mo na ngayon ang feeling?”

“Sobra pa sa sobra.”

“Pagkatapos nito, gugustuhin mo pa ba ng isa pa?” Sarkastikong tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Sisiw lang to.” Pagmamayabang niya habang panay ng kain niya ng fries.

“Tigilan mo ako.” I rolled my eyes. “Hirap ka na nga sa sitwasyon mo hindi ka pa nadala.”

“Alam ko namang worth it ang lahat ng to pag lumabas na ang baby natin.” Ngumiti siya sakin, napangiti rin ako kasabay ng ngiti niya. Hanggang ngayon hindi ko parin gets kung pano nya nagagawa yun.

“Eh pano kung sobrang tumaba ako? Syempre kapag parami ng parami ang anak natin padagdag din ng padagdag ang baby fats ko.” I frowned. “Pano na?”

”Julie-“ Iniwan niya ang kinakain niya para makalapit siya sa akin. Pinahiga niya ako sa braso niya sabay haplos sa braso ko. “problema ba yan?”

Aba loko to ah, malamang problema talaga! Sino ba namang babae ang gustong tumaba ng sobra?!

Lumayo ako sa kanya kasabay ng tingin ko sa kanya ng masama, natawa lang siya sa naging reaksyon ko. “Hindi pa kasi ako tapos-“ Hinarap niya ako sa kanya sabay hawak sa magkabilang balikat ko. “Wala sa akin kung tumaba ka pa ng sobra-sobra. Kung sa tingin ko magbabago ang tingin ko sayo, sinasabi ko palang sayo ngayon na hinding-hindi mangyayari yun. Ngayon kung hindi ka parin satisfied sa sinasabi ko edi-” He gave me his very genuine smile. “let’s get fat together.”

Natawa ako sa idea niya. Alam kong natawa rin siya. Pero saglit lang ang kasiyahang iyon dahil pareho kaming natigilan.

“Nararamdaman mo?”

Pinakiramdaman ko ang aking sarili, there’s something building inside of me. And it’s very familiar.  “Oo.”

“On the count of three.”

“One.” I said.

“Two.” He said.

 “Three!” We both said before we ran to our comfort room.Sabay kaming nagsuka sa iisang sink. At ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.

“No. No way.” Napailing ako habang pareho kaming naluluha habang nakatingin sa salamin. “My morning sickness is back!”

Natatawa siya habang nagmumumog. “Patas na ngayon ang laban Mrs. Magalona.”

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 13

Nagising ako sa kabilang side ng kama namin. Nakayakap sakin si Elmo habang nakadapa siya. Kita ko parin ang mukha niya kasi nakaharap siya sakin, kaya naman napangiti ako ng hindi sinasadya.

Matapos ang ilang minuto ng pagtitig ko sa kanya, napansin ko na may hindi tama. Nahampas ko siya ng malakas kaya naman napabalikwas siya sa higaan.

“Para saan na naman ba yun Julie?” Panay ang paghaplos niya sa brasong hinampas ko ng pagkalakas-lakas.

“Bakit nasa left side ka?!” Medyo high pitch ang pagkakasabi ko kaya naman lalo ko siyang nagulat.

“Ano naman?” Mabilis na sagot niya.

“Hindi ba nga sabi nila na kapag nasa left side nahihiga ang husbands malaki raw ang possibility na mangangabit siya?”

“Julie naman-” Panay ang kamot niya sa kanyang ulo na tila ba’y naiinis habang nabalik siya sa pagkakahiga niya kanina. “pati ba naman pwesto natin sa kama big deal parin sayo?”

“Ah basta-” Nilaktawan ko siya para makapunta ako sa left side ng bed. “kapag lang talaga ikaw Elmo nahuli-huli ko na-” Hindi na natapos pa ang sasabihin ko kasi tinakpan na niya ang bibig ko. Hinigit niya rin ulit ako papahiga sabay yakap muli sa akin na para bang walang nangyari, na para bang balewala sa kanya ang sinasabi ko.

“Matulog ka nalang ulit, antok lang yan.” Halatang antok na antok siya dahil sa tunog ng boses niya na may kasama pang paghikab.

“Elmo kelan mo ba ako seseryosohin?” Humarap ako sa kanya para kapag tumingin siya mukha ko agad ang makikita niya.

“Seryoso naman ako sayo ah. Pinakasalan nga kita di ba?” Pagbibiro niya habang siya’y nakapikit.

“Kainis ka talaga.” Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin sabay tayo sa kama at sabay suot ng tsinelas ko.

“Saan ka pupunta?” Nakamulat na siya ngayon at nakatingin sa akin.

“Malayo sayo.” Sagot ko naman bago ako lumabas ng kwarto namin. He’s always like that. Parang biro lang sa kanya ang lahat. Eh teka, bakit nga ba ako nagagalit? Ay ewan.

Pagbaba ko ng sala bumungad agad sakin ang tatlo naming chikiting kaya naman ang kunot na mukha ko napalitan ng ngiti. “Good morning my angels!”

“Good morning mommy.” Walang ganang sagot nila sakin habang nanunuod ng tv sa dining area namin. Kung ano naman ang itinaas ng energy ko iyon naman ang ikinababa ng kanila.

Biglang sumama ang loob ko, yung tipong parang gusto mong maiyak na ayaw mo? Yung tipong masakit sa lalamunan at sa dibdib? Why am I being ignored? I asked myself.

Well, siguro nga ganun talaga kapag naglalakihan na ang mga bata. May kanya-kanya na silang inaasikaso. Dati-rati puro mommy ang first priority nila tapos ngayon puro cartoons na.

Pinatay ko ang tv sa imagination ko pero nagising ako sa katotohanan na magagalit sila sakin. Ayoko namang maging kontrabida sa mga mata nila kaya dumiretso nalang ako sa kitchen para magprepare ng masarap na breakfast para naman pansinin ako ng mga anak ko kahit papano.

Konting lakad lang nasa kitchen na ako. Nakita ko si Manang, nakapagprepare na ng breakfast. Isinasalin niya nalang sa magandang bowl ang fried rice, ramdam ko na last touch na yun. I hate this day, lahat nalang hindi naayon sa plano ko.

At the end of my plans, my nagawa naman ako. Ang magtimpa ng gatas ng mga bata. Matapos kong mabigay sa kanila ang mga gatas nila nakita ko si Elmo na paparating. Akala ko maggu-good morning kiss siya sakin pero nilagpasan niya lang ako! Syempre for the nth time sumama na naman ang loob ko. Sinundan ko siya ng tingin, umupo lang siya sa pwesto niya at kumuha ng pagkarami-raming tinapay. Pinagpatong patong niya ang mga iyon na may cheese and peanut butter in between. Eew.

“Daddy are you okay?” Tanong ni Sophie. Napansin din pala niya ang kawirduhang ginagawa ng ama niya.

“Oo naman.” Sagot niya naman sa anak namin habang pinipress niya ang tinapay ng kanyang mga daliri sabay kagat na tila ba’y mauubusan siya anytime soon.

“Ellie what do you want?” Binigay ko nalang ang atensyon ko kay Ellie kasi si Lance at Sophie, they prefer to do things by themselves. Big boy and big girl na raw kasi sila. Buti may Ellie pa na medyo pababy pero minsan nagagaya narin siya kay Sophie, she looks up to her ate very much.

“Mommy can we watch a movie tonight?” Sophie opens up as she eats her favorite bacon and egg breakfast.

“Sure. Sa room ba?”

“No mommy. Sine tayo.”

“Yes Ma please!” Pagsecond the motion naman ni Lance. Si Ellie hindi na nakapagsalita kasi puro pagkain na ang nasa bibig niya but it’s very evident based on her facial expression that she likes the idea too.

“Tanungin niyo daddy niyo, siya magda-drive satin.” Nagtinginan kami lahat kay Elmo na nainom na ng pineapple juice ngayon. Natigilan siya sa pag-inom ng mapansin niya kami. “What?” Hindi pala siya nakikinig.

“Magsi-sine raw tonight. Game ka?”

“Sure!” Mabilis naman na sagot niya sabay ngiti sa mga bata na masaya rin sa naging desisyon ng daddy nila.

“Okay.” Umupo na ako sa pwesto ko sa katapat ni Elmo. Like the usual nagproceed na ako sa breakfast ko matapos kong asikasuhin si Ellie. Panay ang kwentuhan ng mga bata kaya naman enjoy na enojy ako habang nakikinig sa mga kwento nila. Nabasag lmang ang katahimikan na iyon ng biglang tumakbo si Elmo papunta sa kitchen hawak-hawak ang bibig niya. Agad naman akong sumunod sa kanya, just to make sure that he’s okay. Panay ang duwal niya pero wala namang nalabas na suka kaya hinaplos ko nalang likod niya para matulungan siya sa sitwasyong iyon kahit papaano.

“Are you okay?” Panay parin ang pagduwal ni Elmo, this time may lumabas na pero kaunti lang.

“Ma’am maligamgam na tubig po para kay Sir.” Ngumiti ako kay Manang, pasasalamat sa concern niya.

“Here, drink this.” Uminom saglit si Elmo pero nagpatuloy parin siya sa pagduwal. “Yan kasi kung ano-ano ang kinakain mo.” I know my words weren’t helping but that’s the truth. Paghaluin mo ba naman ang peanut butter at cheese.

“I wanted those.” Sagot niya matapos niyang uminom muli ng maligamgam na tubig.

“Why? Ang weird mo.”

“Hindi ko rin alam, nagcrave ako.” Matapos niyang sabihin yun dumuwal ulit siya.

“Daddy buntis ka ba?” Tanong ni Sophie kay Elmo.

“Sophie magbreakfast nalang kayo ulit.” Sambit ko sa kanila dahil alam ko na mahirap ng bumalik sa pagkain kapag iniwan mo na ito sa isang tabi kapag may hindi magandang nangyayari.

“Pero Ma’am pwedeng tama si Sophie-”

Napatingin ako kay Manang. Hindi ko alam kung bakit nag-agree siya sa sinabi ni Sophie. Elmo’s a male. Impossible naman atang magbuntis ang asawa ko.

“Na buntis si Elmo, Manang?”

Natawa si Manang sa tanong ko pero agad niyang binawi iyon dahil alam niyang seryoso ang tanong ko. “Ma’am, ang paglilihi kasi napapasa.”

“Napapasa po?”

“Oo Ma’am, kapag buntis ka kasi tapos nalaktawan mo asawa mo ng hindi sinasadya maaari po sa kanya mapasa ang paglilihi.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Elmo ng ilang minuto. Para bang nag-uusap kami habang nagtitinginan, maya-maya pa nagpaunahan na kami sa pagtakbo sa kwarto namin. Wala na kaming pakialam kung iisipin ng mga anak namin na weird ang mommy at daddy nila.

Para kaming bata na nag-uunahan sa huling linya ng marathon. Pati sa pagbukas ng kwarto at pagbukas ng pinto ng comfort room nagpaunahan kami. Dali-dali kong hinanap ang isang bagay, bagay na magsasabi samin kung totoo ba o hindi ang inaassume namin. Ang pregnancy test kit.

“Found it!”

“Go!” Excited na sambit ni Elmo.

“Pero pano kung hindi na naman?” Problemadong tanong ko.

“Edi susubukan natin ulit hanggang sa tumama na.”

Alam kong sincere si Elmo sa mga sinabi niya kaya lumakas ang loob ko na magtry. Sinara ko na ang pinto at sinubukan na kaagad ang PT na hawak ko. Hinantay ko lang ang ilang minuto, nakapikit ako ng mga oras na iyon takot sa maaaring bumungad na balita sakin. Sana hindi negative.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Una muna ang kaliwa bago kanan. Nang makita ko na ang resulta lumabas na ako ng kwarto, nakasimangot at yamot na yamot. Kaagad naman akong niyakap ni Elmo, ramdam ko ang pagcomfort niya sakin. Alam mo talagang may concern.

“Okay lang yan, may bukas pa.” Biro niya ulit.

“Badtrip na.”

“Hey.” Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin sabay tingin sa mga mata ko ng diretso. “Kaya yan, tayo pa ba?”

Naiyak na ako. Hindi ko na kaya eh. Hindi ko na kayang itago pa sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. “Congrats daddy!”

Hindi agad nagbago ang reaksyon niya, maybe he was shocked Kahit din naman ako nagulat ng makita ko iyon pero nagibabaw parin ang acting skills ko. I want to surprise him. Kahit sa ganitong paraan lang.

“We-” He paused. “We’re-” Nauutal na sambit niya.

“Yes daddy, we’re having another baby!”

 

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 12

Hinatid ko ang mga bata sa school pagkatapos umalis ni Elmo sa bahay. Pagkatapos noon pumunta na ako sa OB ko, she told me to intake metformin, baby aspirin and fertility shots. Matagal-tagal narin kaming nagta-try ni Elmo pero wala paring magandang result na lumalabas sa pregnancy tests na nakastock sa bahay.

Medyo naii-stress narin ako kasi hindi ko mabigay sa asawa ko ang bagay na gustong-gusto niya. I wish kotse o panibagong bahay nalang ang hiningi niya sakin para mabibigay ko lang iyon agad sa kanya, ang kaso nga lang, hindi ganoon ang sitwasyon.

Papunta na ako ngayon sa coffee shop right after my appointment with my OB para i-meet ang in-law ko. She has something for me raw, for sure work related na naman. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip habang nagda-drive, kung ano-ano na napasok sa isip ko, napaparanoid na nga ata ako.

After a few minutes, safe naman akong nakarating sa Coffee Bean. Hinanap ko lang ang table kung nasaan ang mommy ni Elmo, as usual maaga siya sa napag-usapang oras at may mga naorder narin siya para saming dalawa, hindi maipagkakaila na business woman siya talaga.

“Hi Ma.” I kissed her cheek before I took my seat.

“Hi Juls.” She responded with a smile. “How are you?”

“I’m fine.” I answered back with a smile too.

“You’re lying.” Napatingin ako agad sa kanya, it’s the very first time she ever said that to me. Most of the time kasi ‘Good’ lang ang isinasagot niya. “May progress na ba?”

Sa tingin ko alam na niya kung ano ang problema namin ngayong mag-asawa. What was I thinking? Syempre mommy siya ni Elmo, malamang magasasabi si Moe sa kanya.

“Sobrang hirap po pala kapag dumating na sa point na gustong-gusto niyong magka-anak pero ayaw kayong bigyan.” Pabiro ko iyong sinabi sa kanya, maybe I don’t want her to see what I really feel inside.

“But you’re taking different medications right?”

“Opo, pero parang hindi naman natalab.” I let out a soft laugh. Napakunot naman si Mama ng noo. “Anyway, may new contract po ba na kailangan kong pirmahan?” Segway ko kasi parang nahalata na ni Mama na nagpe-pretend lang ako. Minsan talaga may mga bagay na mahirap i-sugarcoat.

“I’m just checking on you Julie. Wala namang mahalagang bagay na dapat tayong pag-usapan.” She smiled again. Thank God she did that, hindi kasi ako sanay na nagfa-frown siya sa harap ko.  “And uh-” She paused. “Hihiramin ko sana ang mga bata tonight so you could you know-” She paused again. “do your thing.” And then she laughed. Natawa rin ako.

“Pagod po yun si Elmo ngayon kaya mukhang malabo Ma. But of course, you may borrow the kids.” Ininom ko ang tea na nasa harapan ko.

“You know him, he’ll make time.” She winked at me after drinking her cup of tea. “Oo nga pala, namention na ba sayo ni Moe na may new project siya?”

“Meron po siyang mga nababanggit sakin bakit po?”

“Nabanggit niya ba sayo na may mga bed scenes?”

Napaso naman ako nang marinig ko ang bed scenes. Alam ko mature na si Elmo para sa mga ganitong bagay pero hindi ako sure kung mature narin akong panoorin siya sa ganoong linya. I’m consistently watching him, I’m his biggest fan kaya naman hindi maiiwasang susuportahan ko ang bagong project niya. Sana naman movie, hindi teleserye.

“Ano pong genre?”

“It’s a teleserye.” Tingnan mo nga naman ang tadhana, kung ano pang ayaw mo iyon ang ibibigay sayo.

“Ano pong role niya?” I sound like a jealous girlfriend. Come on Julie, asawa mo na ang pinag-uusapan niyo.

“Lead role of course, hindi ko lang alam lung sino ang leading lady niya. Bini-brief pa raw. Wait-” Tiningnan ako ni Mama na para bang natatawa siya na hindi. “nagseselos ka ba?”

“Ako po?” Turo ko sa sarili ko. “Sus, hindi po ah.” Medyo confident na sagot ko para hindi halata. I’m a great actress. Embrace it. Haha.

“Mabuti naman. Wala namang dahilan para magselos ka. It’s just work Juls.”

“I know Ma, he’s just being professional.” I smiled at her, but this one’s for real. Alam ko naman talaga na nagpapakahirap siyang magtrabaho para sa future ng pamilya namin. Pero kasi…

***

“Araaay!” Sigaw ni Elmo nang hindi ko namalayan na nabato ko na pala sa kanya ang hawak-hawak ko na magazine while he was climbing to bed. “What’s that for?”

“Para yan sa hindi mo pagsabi sakin ng bed scene!” Naiinis ako sa kanya kasi alam ko na sinadya niyang itago yun sakin, most of you will think that he’s just beng sweet, that he doesn’t want me to get jealous, pero hindi yun ang dating sakin.

“Bed scene?” Natatawang sambit niya, mas lalo akong nainis kasi parang hindi yun mahalaga sa kanya. “It’s part script hon.”

“Kapag ako kissing scene lang kailangan detalyado pa  sayo kung pano namin gagawin yun sa set tapos yung sayo secret?! Malaking lokohan na naman to Magalona.” Umusok na talaga ilong ko, he’s being unfair!

“Okay I was wrong-” Sinubukan niyang suyuin ako pero nagmatigas ako. My arms were crossed while I was just staring at him.

“I’m sorry na naman? Dyan ka naman magaling.” Inirapan ko siya. Bahala siya.

“Gusto ko naman talagang sabihin sayo pero hindi ko alam kung pano. Stressed ka these past few days kaya ayoko ng dagdagan yun.” Okay he’s sweet. Pero hindi ako bibigay, HINDI-PWEDE. Kaso nga lang nung niyakap niya na ako wala na akong nagawa pa, Elmo’s still my weakness. Badtrip talaga.

“Let’s try tonight?” Tanong niya ng muli niya akong tingnan, nawala na ang kunot ng noo ko dahil sa ngiti niya.

I nodded to his question. He kissed me passionately, my hand slid up to his neck. I was tugging his hair. His warm hand was pressing into my low back while the other slid to the curve of my waist. It felt right. It felt like I didn’t want to go anywhere, I just wanted to share the night with him.

I was a bit breathless. I let him remove my top. He was looking at me while he was doing that.

“Wala kang dapat ipagselos.” He assured me while his fingers were tracing my skin. “Mahal kita at wala ng makapagbabago pa nun.” I just smiled at the thought. “Kaya if you’ll let me.” He moved closer to me again. “try ulit natin, baka swertihin tayo this time.”

Natawa ako sa sinabi niya. I can’t help it. Nakakatawa naman talaga kapag sobrang seryoso na niya. “I’m sorry.” Kaagad kong pinutol ang tawa ko. I locked my eyes with his. “Sige let’s try again.”

TO BE CONTINUED…


Forevermore Book Four: Chapter 11

Nakahiga ako sa tabi niya. I’m watching him sleep. I know, I know, I should’ve been sleeping too but he was just so beautiful to watch. Nanalangin ako na sana magising siya para makita niya akong nakatitig sa kanya. Then he would tease me and evertually kiss me. Haha. Pero hindi siya gumising sobrang tulog na tulog kasi. He’s tired, I guess.

We’ve been trying to have another baby. Pero mukhang malabo kasi may problem pa ako sa ovary, I have polycrystic ovary syndrome. Last week lang namin nalaman, I was getting hair loss and also gaining weight. Biglaan lahat, kahit ako nagulat ng malaman ko. Hindi naman delikado pero mahihirapan lang talaga kaming magkababy at kung saka-sakaling mabuntis ako malaki raw ang chance ng miscarriage.

Ayaw naman akong i-pressure ni Elmo kaya we’re taking everything slow… one step at a time kumbaga.  

“I love you Elmo.” I whispered. He smiled intothe words as he was pulling me beside him. I didn’t mind. I tried to sleep again, I really did, but his features drew me back into a state of delusion. All I wanted was to wake him up and prove my love for him, but it was 4 in the morning. I should be asleep!

He smelled so perfect and I loved that since he and I had started sharing a bed. I cuddled into his arm, flawless, soft-chest – after a while I planted a soft kiss on his shoulder and then I heard him mutter.

I just hugged him tight as I closed my eyes. I still couldn’t sleep. All I wanted to do was to look at him in his perfection. I propped myself on my elbow and just stared at his face – admiring the way his lips curved into a half smile when he was having a good dream. In fact, I was too focused on his lips that I didn’t notice his eyes fluttered open.

“Have you been watching me all night?” He smiled at me and I grinned sheeplishly, letting out a dorky laugh.

“Hindi ako makatulog eh.” He laughed as he leaned towards me and his lips captured mine with a soft, sleepy kiss.

“Bakit hindi ka makatulog?” Tanong niya habang tinitingnan niya ako.

“I can’t. You’re just..” I let out a soft laugh again. “You’re so beautiful. It’s very distracting.” I teased him.

“Ngayon alam mo na ang nararamdaman ko every day?” Natawa na naman ako. Magaling siya sa ganyan sa pagbabalik ng compliment na binibigay ko sa kanya.

“Ewan sayo.”

“It’s true.” He ran his fingers across my cheek. “Ikaw ba naman magkaroon ng mala-goddess na asawa.”

Sighing deeply, he truly was perfect in my eyes. “Tigilan mo ako.”

Tumawa lang siya. “So what do you want to do?”

“Anything.” Tumingin ulit ako sa kanya, tinaas ko ang dalawang kilay ko na para bang sineseduce ko siya ng pabiro. “Ikaw, what do you want?”

Huminga siya ng malalim habang humaharap siya sakin. Magkatapat na kami, wala lang nagtitinginan at nagngingitian na parang mga bata. “Let’s just talk.”

“What do you want to talk about?” Game na sagot ko sa kanya, medyo matagal narin simula noong nakapagkwentuhan kami ng tungkol samin usually kasi puro sa mga bata ang pinag-uusapan namin, kung paano namin sila papalakihin ng tama – mga ganung bagay. And sometimes, we ran out of time to talk about ourselves, our relationship and all.

“Anything that interests you.” Sambit niya, nakatitig parin siya sakin, I love and at the same time hate him when he’s looking at me like this. Para kasing natutunaw ako, para bang naco-conscious, ganun.

“You interest me.” Mabilis namang tugon ko sa kanya. He didn’t see that coming. Kinilig siguro siya. “I’m just flirting-” Natawa kaming pareho. “I meant kidding.” I paused. “Pero seryoso na-“ Nag-isip ako saglit. “Tell me what’s on your mind.”

“Okay.” Elmo smiled. “Ang nasa isip ko ngayon ay ikaw.” He brushed my hair. “Alam mo bang favorite sight ko ang mga mata mo?” I know that already, he had been telling me that for years. Pero syempre hindi ko matatago na kinikilig parin ako. It’s like he’s telling the same thing in different unique ways. “Alam mo rin ba na favorite ko ang kamay mo lalo na kapag hawak-hawak ko?” He took my hand and held it tight. “My favorite sound is you telling me that you love me.”

“I love you.” I smiled at him.

“I know.” He stroked my cheek. “Myy favorite smell is you in the morning after you wake up.” I felt Elmo bury his face on my neck. “And my most favorite part is the taste of your lips.” His lips captured mine in a kiss again. God, he was such a romantic. “That’s why when I’m around you, I’m speechless.” He smiled after another kiss that he planted on my lips.

Inilapit ko ng mas malapit pa ang mukha ko sa kanya. “Alam mo rin ba na ang sweet mo?” We both giggled.

“But everything I said was completely true.” He kissed my cheek.

“I know.” I paused. “That’s part of why I love you Moe.” I smiled at him and kissd the tip of his nose. “Hindi ko maimagine ang sarili ko kasama ang ibang lalake.”

“Dapat lang.” He chuckled. “Ibibigay ko sa kanila ang lahat ng meron ako, kahit ano pa yan, even my own world para lang pang-trade sayo.”

I laughed only because he was being too cheesy. But I liked it. I loved the way he did it… the way he said it. “And I would definitely do the same thing too, daddy-doo.” I winked.

He pulled me closer to him, letting me rest on his arm. “It’s time to close your eyes. Mapapagod ka na naman mamaya sa tatlong bata kaya matulog ka na.” He was massaging my back as he was humming me the same lullaby that I’m still singing to our kids when I’m tucking them to bed.

I hadn’t been asleep for more than an hour when our kids entered our room. “GOOD MORNING MOMMYAND DADDY! IT’S MAGALONA DAY!” Magalona day is equivalent to family day, it’s their normal language durng Sundays.

My eyes shot open and I laughed as I was watching Elmo threw our kids to our bed, one by one. I sat up and rubbed my eyes. I am exhausted but I know that it was going to be fine because Elmo and our kids would get me through the day.

 

 

TO BE CONTINUED…


               Forevermore Book Four: Chapter 10

The way he looked at me when I said those words, it was just… priceless.

I know he wanted it.

But…

I’m not sure if I wanted it the way he did.

Maybe I’m not just prepared.

“Julie.”

Nagising ako sa katotohanan, papunta kami ngayon sa ospital para i-confirm ang condition ko. Masaya siyang nagda-drive, mukhang excited. Ako naman, ito, hindi makuhang makangiti, kung nagagawa ko man, pilit na ngiti iyon.

“Hmm?” Yun nalang ang nasabi ko sa kanya, I’m not in the mood to talk.

“Sana babae ulit ang anak natin para may another Ellie na tayo.” Tumingin siya sakin at ngumiti, simula ng sabihin ko sa kanya na baka buntis ako hindi na natanggal pa ang ngiti sa mga labi niya. “Pero pwede rin namang lalaki, kahit ano naman ang ibigay satin I will still be happy.” For the nth time, he smiled again.

“Yeah.” Sa sobrang saya niya hindi na niya napansin na hindi ako masaya. Bakit nga ba hindi ako masaya? Siguro dahil kuntento na ako sa buhay ko… or the other way around.

I love kids. Don’t get me wrong. I love my kids. I love my husband. Pero sa tingin ko hindi pa talaga ako handa para magka-baby ulit. At isa pa, may bago akong napirmahan na contract, kapag nagpositive ako for sure si Moe, mag-iinarte na naman. Syempre cut na naman lahat ng pwede kong gawin, he’s just being sweet, alam ko naman, pero I’m still a woman, I need space. I need to enjoy my womanhood, if there’s such a word.

After a few minutes, huminto na kami. Dumiretso kami sa office ng OB ko, mabilis niya naman akong tinest. Naghintay lang kami saglit ni Elmo sa kanya, pagkatapos nun hinarap niya na kami with the results.

Ngayon lang ulit ako kinabahan, I’m really hoping na sana wag muna biglaan kasi talaga. Kuntento pa naman ako kila Sophie, Lance at Ellie, pero mukhang si Moe hindi. Sanay lang siguro talaga siya sa malaking pamilya, ako naman sanay sa kung ano ang meron kami ngayon.

“Based on my findings-” Tiningnan kami ng doktor. “negative Julie-“ Yes! Gusto kong sumigaw sa tuwa pero sobrang inappropriate so I kept silent and waited for my doctor’s next words. “Medyo may abnormal movement lang sa ovary mo na kailangan nating solusyonan.” She continues. Natakot ako ng marinig ko yun, problema sa ovary? Since when? “It’s not a big issue though, you just need to buy these medicines.” Nakahinga ako ng maluwang, akala ko naman malala hindi naman pala. Napatingin ako kay Elmo pagkatapos kong matanggap ang riseta. Napansin kong hindi siya masaya sa  naging resulta.

***

Biglang napalitan ng lungkot ang masayang mukha ni Elmo kanina. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa karating kami ng mall para mag-grocery. Tahimik lang siya hanggang sa makapagbayad na ako ng mga pinamili namin. Inilagay muna namin sa sasakyan ang mga plastic bags bago kami muling bumalik sa loob para bilihan ng pasalubong ang mga bata.

“Punta tayo kila Mama sa weekend? Tinext ako nila Ate Maxx, gusto raw nilang hiramin ang mga bata.” Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy lang ako sa sinasabi ko. “Sabi pala ni Mama next week may interview tayo. After nun bakasyon tayo, gusto kong magrelax.” Palusot ko pero gusto ko talaga siya ang marelax. “How’s your-” Akala ko nakasunod lang siya sakin. Ang sarap pa naman ng kausap ko sa kanya tapos wala na pala siya sa likod ko. I searched for him. Nakita ko siya na nakatayo sa loob ng store ng enfant, nakangiti at nagte-take ng pictures.

Nasaktan ako ng makita ko siya na ganun. Doon ko narealize na sobrang selfish ko. Na sarili ko lang ang iniisip ko. Akala ko kasi okay lang, akala ko hindi niya naman to seseryosohin… but it seems like it means the world to him.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, itinuon ko ang ulo ko sa braso niya. Napatingin naman siya sakin, pero panandalian lang yun kasi binalik niya ulit ang tingin niya sa loob ng store.

“Gusto mo na ba talaga ng another baby?” Hindi ko na kaya, gusto ko talagang itanong sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang nasa isip niya, hindi rin naman ako aware kung ilang anak ang gusto niya akala ko kasi okay na siya sa tatlo naming anak.

“Pano ang project mo?” At last kinausap niya rin ako. Akala ko forever na siyang magpapakatahimik. Hindi ko ata kaya yun, kaya kahit mahirap magbuntis at lalong mahirap manganak, gagawin ko yun para sa kanya kasi mahal na mahal ko siya.

“Okay lang, may i-ooffer pa naman siguro sila.” Niyakap ko na ang braso niya sabay ngiti. “Sinabihan ako ni Lance last night na wag ng magtrabaho well siguro sakto naman to sa gusto mo.” I smiled again.  “Pwede naman tayo ulit magtry kaya wag ka ng malungkot dyan.”

“Gagawin mo yun?”  Nakatingin siya sakin, nakakunot ang noo niya. “Pero matagal mong hinantay ang break na ‘to.”

“Pwede naman nilang ibigay sayo ang project, wala pa naman akong leading man dun. And mabilis lang naman maghanap ng papalit sakin, marami namang magagaling na artista na babagay sa role na yun.”

“No, gawin mo nalang yun. Makakapaghintay naman ako.” He finally smiled back at me. It made my heart skip a beat!

“I insist.” Pumunta ako sa harap niya , I tiptoed to give him a smack on his lips. “Let’s take a vacation, we need that.”

“Saan?” Tanong niya habang hawak-hawak niya ang bewang ko.

“Anywhere with you and kids-” Ngumiti ako ulit, hindi ko mapigilan. I love seeing him happy. Yun na siguro ang pinakafulfilling na part ng pagiging asawa ni Elmo, ang makita siyang masaya.

“But Julie-”

“No buts-” I paused. “Pero kung ayaw mo talaga edi sige wag na lang-”

Nagkunwari akong naglakad papalayo sa kanya, akala ko hindi niya ako pipigilan, akala ko mapapahiya na naman ako.. pero hindi- pinigilan niya ako at hinigit ulit papalapit sa kanya. And unexpectedly, he kissed me on the lips. I can feel him smiling while he was kissing me.

Syempre…

Kinilig na naman ako.

“Let’s have another baby.” He whispered after kissing me and I giggle to the sound of his sweet, sweet voice.

 

TO BE CONTINUED…


Breakaway Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr